"Pakawalan n'yo ako rito! Mga walang hiya kayo!" nagsisigaw si Rafaela habang nasa loob siya ng kulungan. Kasama niya ang ibang mga babaeng preso sa kulungan. May benda ng mukha niya dahil sa aksidente kanina. Katatapos lang namin makipag-usap sa mga pulis kaya naisipan kong puntahan siya. "Kumusta na Rafaela?" tanong ko sa kanya. "Hayop ka! Kapag nakalabas ako rito sisiguraduhin kong hindi na kita bubuhayin. Hayop ka!" Inuga pa niya ang selda sa sobrang galit sa akin. "Tsk! Tsk! Hindi mo na kami magagawang saktan ngayon dahil sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan." Tumawa ng malakas si Rafaela na parang nababaliw. "Huwag kang pakasigurado. Remember malaya ang kapatid ko siya maghihiganti siya sa iyo!" Pumalakpak ako. "Nice, maganda 'yan plano mo pero hindi na yan magkakatotoo.