Yross POV Natigilan ako sa sinabi ni Florecita, hindi ko alam kung ano ang tamang salita na dapat sabihin. Nahalata ko ang lungkot at sakit sa boses nito. Nanahimik nalang ako baka kasi may masabi akong hindi maganda. Muli kong narinig ang boses ni Florecita. "Tapos ang nanay ko ay namatay raw sa cancer, bata pa kasi ako no'n hindi ko na maalala. Basta ang naaalala ko lang noon,lagi akong binu-bully na anak daw ako ng rapist." Mapait na pahayag ni Florecita at bahagyang tumawa para itago ang sakit na nararamdaman. Hindi ko akalain na sa kabila ng masayahin nitong persona ay may masasakit pala itong karanasan. Hindi ako ulit nag-comment sa sinabi nito. Hindi ko kasi alam kung paano ang comfort na gagawin ko rito. "Hanggang sa matoto akong maging palaban. Syempre hindi ako nagpapa bully