Deep, sensual and arousing...

1532 Words
Chapter 17 A man could marry as many times as he want but nothing beats the first marriage.  All along I thought it would just be a ceremony. Masyado lang pinapalaki ng ibang tao kaya nagmumukhang big deal.   But I was wrong because in the first place, it was not about the ceremony,it was not about the guests, it was not even about the dress and fashion that goes with marriage.  What’s big deal about marriage are the emotions that comes with it. I didn’t know, and I wasn’t prepared for the emotions I’ve felt simula pa lang ng gumising ako sa araw ng kasal namin ni Ana. I woke up at 5AM and our wedding is 9AM at kahit na gusto ko pang bumalik sa higaan, hindi na talaga ako makatulog.  Hindi ako mapakali at para akong sinisilaban. Para akong naiihi na hindi naman. Nung makarating kami sa simbahan, a part of me wanted to back out but a part of me wanted to go with it, even excited to marry Ana. Kung hahatiin ako, ang part mula leeg hanggang ulo gusto nang mag back out pero mula leeg hanggang kadulo dulohan ng kuko ko sa paa, isama na ang mga balahibo ko, gustong magpakasal kay Ana. I’ve never been this undecided with any of  my life’s decision. Hindi pa nakakatulong ang mainit kong barong.  Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malapot.  Then the ceremony started and I heaved a sigh of relief. Nagulat pa ako na sa naramdaman ko. Nakahinga ako nang maluwag nung sinabing magsisimula na ang kasal kasi dumating na ang bride. Para akong binunutan ng tinik sa dibdib. I am glad she didn’t back out.  Well, sino ang hindi matutuwa, I will not be called a jilted groom. Nakakahiya naman na sa pogi kong to ay tatakbuhan o kaya ay hindi ako sisiputin ni Ana. Subukan lang niyang hindi sumipot sa kasal namin. Huhuntingin ko siya at hahalayin hanggang sa magmakaawa siyang pakasalan ko siya. But, of course, kapag nangyari yun, hindi ako papayag agad agad. Kailangang madaming halayan muna ang mangyari bago ako pumayag. Ano ako, easy to get? Cheap?  “Okay ka lang pare?” Lance asked me. He’s my best man, kaya nga nakatayo siya sa tabi ko.  “Yeah, I am fine.” Pinahiran ko ang pawis sa noo ko.  “Para kasing nenenerbiyos ka.”  “Bakit naman ako kakabahan?” “Baka takbuhan ka ng bride mo.” Nakangiting sabi ni Lance. Alam niyang hindi buo sa loob namin ni Ana ang kasal na to. Isa pa, siya ang saksi ng pagbabangayan namin ni Ana kaya nagulat daw talaga siya nung tinawagan siya ni Grandma at sinabing magpapakasal kami ni Ana at siya ang best man ko. Ayaw kasing maging best man ng iba kong mga pinsan kasi daw hindi sila best men, they’re awesome men daw. Eh di sila na! “Di mabuti para hindi ako mapilitan na paksalan siya.” Nakita kong nagsisimula nang maglakad ang entourage. Bakit ang babagal nila maglakad? Bakit hindi na lang sila tumakbo para mabilis?   “Talaga? Napipilitan ka lang sa lagay na yan?” Nakangiti pa din si Lance.  “Para namang hindi mo alam na pinilit lang kami ni Lola.” “Talaga lang ha. Napipilitan ka lang pala. Kaya pala 2 hours earlier ka dumating sa simbahan.” Lance voice is dripping with sarcasm, it makes me want to punch him.  “Gag—“ Natigil ako sa pagsasalita dahil biglang tumunog ang wedding march at bumukas ang pinto ng simbahan. Then I saw Ana standing in the middle of the archway. Hindi ko nakikita ang mukha niya but I can see her silhoutte and it took my breath away.  She started walking slowly and I feel my heartbeat drumming wildly.  Pakiramdam ko ang tagal tagal at ang bagal bagal ng paglalakad niya and I am barely breathing while she’s walking. In the middle of the aisle, her parents met her and they slowly walked towards me.  Her motheris already crying and her father looked emotional. Parang pinipigilan lang umiyak.  Then my eyes focused on Ana. She’s wearing a Filipiniana wedding dress. It has a conservative cut yet it hugged her body sensually. I can’t wait to get rid of it and see what’s beneath those silks and laces. Natatakpan ng veil ang mukha niya yet the veil didn’t cover much. It didn’t cover Ana’s breathtaking face and… angry eyes. Yes, unlike most bride, hindi siya naiiyak, she’s not even emotional nor is she happy. Instead, she’s giving me dagger looks. Siguro kung hindi lang niya katabi ang mga magulang niya, baka sinugod na niya ako at pinagsasaksak.  Tuluyan nang nawala ang kaba ko dahil hindi ko na maalis ang saya sa puso ko na hindi ko alam kung bakit andun. I should be remorseful because I am faced with this kind of situation but I don’t feel any remorse. Nakasimangot na siya nung makarating siya sa harap ko at hindi pa din inaalis ang masamang tingin sa akin.  Her parents handed her to me after I gave my respect. Pinagbilin pa ng ama niya si Ana sa akin.  The moment her parents was gone she whispered to me.  “Pag tinanong ka mamaya ng priest, sabihin mo ‘I don’t’ ha! Wag kang mag ‘I do’!” Tiningnan ko lang siya at nginisihan. Asa naman siya. Pagkatapos kong pagpawisan ng malapot?  “Pag kinasal na tayo, hindi mo na ako pwedeng  maging alila.”  Kahit nasa harap na kami ng pari, di pa rin siya tumigil. Pag ako nainis hahalikan ko na lang to kahit wala pang basbas para matigil lang siya.  “Pag kasal na tayo, walang pakialaman ng buhay.” Akala niya siya mag may kondisyon? “Para namang ikinatutuwa kong pakialaman ang buhay mo!Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kwarto. Dapat may sarili akong kwarto.” Ano daw?  “Kahit na magkahiwalay pa ng bahay eh!” Nababaliw na si Ana! “Buti naman at nagkakaintindihan tayo. Isa pa pala, hindi natin kailangan magpanggap na sweet kasi alam naman ng lahat na pinikot lang tayong dalawa.” Patay ka sa akin mamaya.  “Couldn’t agree more. Oo nga pala, wag mong papakialaman si Lilac. Ayoko nang maulit ang pag o-overfeed mo sa kanya dati!”  “Lasunin ko yang tilapya mo eh!” Kainin ko yang tilapya mo eh! “Subukan mo lang!” Sana ganun din ang isagot niya.  “Talaga!” Aww… “Ahem!” Bigla akong napatingin sa pari. Masama na ang tingin sa aming dalawa ni Ana. “Ahmmm..hija…” Ang ingay kasi eh. Pero buti na lang at hindiako ang napansin..   “I do.” Biglang sabi niya at hindi napigilang tumawa. Ang epic.  “Wala pa akong tinatanong hija.”  “Ahhh wala pa ba? Eh ano po yun Father? May tumutol ba? Sino? Salamat naman!” Asa ka pa Ana! Tingin ba niya makakapasok sa simbahan ang kung sino man na may balak na pigilan ang kasal namin? Hah!  “Ang sasabihin ko sana ay makinig kayong dalawa ng magiging asawa mo!” Sabi na ng pari at ginawa naman namin. Pangiti ngiti ako habang patingin tingin kay Ana. Tapos nahuli ko siyang tumitingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hindi tumagal kinalabit na niya ako.  Ano ba yan, hindi pa nga tapos ang kasal nangangalabit na siya. Hindi ba siya makapag hintay mamayang gabi o kaya pagkatapos ng reception?  “Kelan tayo magdidivorce?” Tumaas ang kilay ko. Divorce? Baliw ba siya? Kelan pa nagkadivorce sa Pilipinas? Dahil alam ko namang impossible ang sinasabi niya sinagot ko agad ang tanong niya.  “Bukas!” Oo nga bukas! Bukas, hindi ka makakalakad ng maayos. Tingnan ko lang kung makakapag isip ka pa ng divorce.  Dahil sa naisip ko, nagising ang kinabukasan ko at biglang naexcite. Hindi na makapaghintay ng bukas.  Naku naman! Kasing atat ni Ana. Bagay nga sila.  “I now pronounce you man and wife.” Sabi ng pari na napahinga na naman ako ng malalim. Sa wakas, natapos din ang mainit na kasal. Pinagpawisan talaga ako dahil sa init ng barong ko at dahil nag init din ang pakiramdam ko dahil sa mga pinag –iisip ko.  Ganun din si Ana, naiirita na siya sa damit niya at panay na ang simangot niya. Mabuti na lang at water proof ata ang make up nya kaya hindi naalis kahit na nagpapawis siya.  “You may now kiss the bride.” Sa lahat ng sinabi ng pari, dito lang talaga ako natuwa ng sobra. Humarap ako kay Ana at itinaas ang veil niya. “Sa pisngi lang ha!” Sabi pa niya. Ngumiti ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.  “Sure!” I said then I claimed her lips and kissed her the way I’ve imagined our wedding kiss to be. Deep, sensual and arousing. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD