CHAPTER 15

2211 Words
THIRD PERSON POV Nanlalaki ang mga mata ni Katie nang makita ang babaeng umupo sa cantilever chair na nasa harap ng kanyang mesa sa pinagtatrabahuang bangko sa bayan kung saan siya nakatira. Iilan pa lamang ang bangko sa bayang iyon dahil hindi pa ganoon kaprogresibo ang kanilang lugar kung ikukumpara sa mga karatig-bayan. Nagtatrabaho bilang bank teller si Katie at kadalasan ay siya ang nag-aasikaso sa mga customer na gustong mag-deposit ng malaking halaga at mag-open ng account sa bangkong kanyang piagtatrabahuan. Napalunok ng laway si Katie nang muling titigang mabuti ang mukha ng babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Kumunot ang noo ng babae sa tipo ng pagkakatitig ni Katie rito. Sa wari ng babae ay parang hindi makapaniwala ang bank teller na nasa harapan nito sa nakikita nang mga oras na iyon. Babae: Ahm, Miss, don't you know it's rude to stare at someone? Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Katie nang marinig ang sinabing iyon ng babaeng nasa kanyang harapan. Agad na tumuwid ng upo si Katie at tumikhim. Biglang nahiya si Katie sa kanyang inasal sa harapan ng babaeng customer. Tama nga naman ito na hindi magandang asal ang titigan ang isang tao lalo na at hindi natin kakilala. Ngunit ang babaeng nasa harapan ni Katie nang mga sandaling iyon ay kamukhang-kamukha ng isang babaeng malaki ang naging parte sa nakaraan ni Katie. Kamukha ng babaeng customer ang dating kaibigan ni Katie na si Sharmaine Bustos. Katie: I-I'm sorry. I-I just thought you look familiar, Ma'am. Please accept my apology. Magalang pang tumango si Katie sa babaeng customer. Ang babaeng customer ay ngumiti kay Katie. Babae: It's fine. It happens to all of us. Mabuti na lamang at sa akin mo ginawa. Alam naman nating hindi pare-pareho ang utak ng mga tao. Marahan pang tumawa ang babae pagkatapos nitong magsalita. Parang nanlalambot ang mga tuhod ni Katie habang nagsasalita ang babae sa kanyang harapan kaya ipinagpapasalamat niyang nakaupo siya nang mga oras na iyon. Ngumiti si Katie sa babaeng customer at sa pilit na pormal na tinig ng boses ay nagsalita. Katie: Good morning, Ma'am. I'm Katie. How can I help you? Ngumiti ang babae at sandaling inikot ang paningin sa loob ng bangko bago muling humarap kay Katie. Babae: Gusto kong mag-open ng account sa bangko ninyo, Miss Katie. Sandaling tinitigan ni Katie ang babae at maya-maya ay tumango at kumuha ng isang form para sa pag-open ng bank account at iniabot iyon sa babae. Matapos magbigay ng instructions ni Katie ay sinimulan na ng babae ang pag-fill out sa form. Hindi pa rin makapaniwala si Katie habang tinititigan ang babaeng nasa kanyang harapan. Kamukhang-kamukha ito ni Sharmaine. Ngunit matagal nang wala si Sharmaine at saksi si Katie kung paanong nawalang parang bula si Sharmaine sa bayang iyon. Nang matapos na ang babae sa pag-fill out ng bank account opening form ay kinuha na iyon ni Katie at nanghingi siya ng two valid identification cards mula sa babae. Nang tingnan ni Katie ang form na sinagutan ng babae ay mahina niyang binasa ang pangalang nakita niya roon. Katie: Bridget Marfori. ---------- Pinaglandas ni Marco ang dulo ng dila nito sa leeg ni Princess na malakas na ikinatili ng babae. Princess: Ano ba, babe?! Nakikiliti ako! Tuwang-tuwa si Princess habang niroromansa siya ni Marco sa loob ng kotse nito. Muli na namang nagsabi si Princess sa kanyang asawang si Nelson na mag-o-overtime siya sa opisina ngayong araw ngunit ang totoo ay magche-check in sila ng kalaguyong si Marco sa isang hotel. Maharot na tumawa si Marco matapos pasadahan ng dila ang gilid ng leeg ni Princess at malambing na kiniliti sa tiyan ang babae. Marco: Tawa ka nang tawa, ah. Tingnan natin kung makatawa ka pa mamaya kapag ipinakain ko na riyan sa bibig mo sa ibaba itong malaking pagkaing dala ko. Nag-growl pa si Marco sa kaliwang tainga ni Princess at pagkatapos ay kinagat iyon na naging dahilan para mapaungol ang babae. Princess: Sige lang, babe. Pakainin mo lang ako nang pakainin mamaya. Ang alam naman ng asawa ko ay mag-o-overtime ako. Lalo pang binilisan ni Marco ang pagkiliti sa tiyan ni Princess na ikinatawa niya ng malakas. Princess: Tama na, Marco! Nakikiliti ako! Babe! Lumalakas ang mga tili ni Princess kaya itinigil na ni Marco ang pagkiliti sa kanya rahil baka makaagaw pa sila ng atensyon ng mga tao sa labas ng nakaparadang kotse ni Marco sa harap ng building kung saan naroon ang opisina ni Princess. Marco: Mabuti na lang at hindi na bago sa akin ang mag-overtime kaya hindi na mahirap ang magpaalam kay Janine. Kagat-labing ngumiti si Princess kay Marco. Princess: Sweet naman ng babe ko. Gumagawa talaga ng paraan para magkita kaming dalawa. Malambing na pinisil ni Princess ang tungki ng ilong ni Marco na ikinatawa nito. Marco: Syempre. Hahayaan ko ba namang ma-miss ako nang matagal ng babe ko? Naglapat ang mga labi nina Princess at Marco at sa halik na iyon ay ipinadama nilang dalawa kung gaano nila na-miss ang isa't isa. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay masuyong ngumiti si Princess kay Marco. Princess: Maraming salamat, Marco, sa oras na inilalaan mo para sa akin. You don't know how much I appreciate your effort. Hinaplos ni Princess ang kaliwang pisngi ni Marco. Princess: Kahit pareho na tayong nakatali sa iba ay hindi mo pa rin nakaliligtaang pasayahin ako. Maraming, maraming salamat. Hinawakan ni Marco ang kanang kamay ni Princess na humahaplos sa kaliwang pisngi nito at dinala sa mga labi nito at hinalikan. Marco: Pagpasensyahan mo na kung paminsan-minsan ay tinatapos ko agad ang mga tawag mo. Busy lang talaga sa trabaho. Naalala ni Princess noong minsang tumawag siya kay Marco habang nasa malaking grocery store sila ng kanyang anak na si Kiara ay agad na tinapos ni Marco ang tawag dahil busy ito sa trabaho. Princess: Aaminin kong minsan ay nagtatampo ako rahil nami-miss kita tapos hindi pa kita makausap nang matagal. Pero naiintindihan ko rin naman ang obligasyon mo sa pamilya ni Janine. Nakita ni Princess ang lungkot na bumalatay sa mukha ni Marco. Marco: Malaki ang aking utang-na-loob sa pamilya ni Janine, Princess. Nakakaunawang tumango si Princess. Princess: I know. Kaya nga naa-appreciate ko kapag naisisingit mo pa ako sa busy mong schedule. Malambing na ngumiti si Marco kay Princess. Marco: Mahalaga ka sa akin, babe. Kaya lagi akong gagawa ng paraan para makapagkita tayong dalawa. Ginawaran ng isang mabilis na halik ni Marco ang mga labi ni Princess. Marco: Halika na. Para makarami na tayo. Tumaas-baba pa ang kilay ni Marco kay Princess na maharot na ikinatawa ni Princess. ---------- Kumunot ang noo ni Gabbie nang mapansin ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat ng mataas na building kung saan naroon ang opisina ng kaibigang si Princess. Sinundo ni Gabbie mula sa school ang anak na si Emmanuel at ngayon ay pauwi na sila ng kanilang bahay. Habang nagmamaneho siya ng kotse ay napansin ni Gabbie ang kotse ni Marco, ang asawa ng kanyang kaibigang si Janine, na nakaparada sa tapat ng mataas na building na iyon. Gabbie: Sigurado akong kotse ni Marco iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ano naman kaya ang ginagawa ni Marco sa area na ito? Medyo malayo ito sa office niya. Nagulat pa si Gabbie nang biglang magsalita ang kanyang anak na si Emmanuel na nakaupo sa backseat. Emmanuel: Are you talking to someone, Mommy? Saglit na tiningnan ni Gabbie sa rear-view mirror si Emmanuel na naglalaro ng video game sa bagong laruang ni-request nitong ipabili sa kanyang asawang si Nate at pagkatapos ay muling ibinalik ang konsentrasyon sa pagmamaneho. Gabbie: No, my dear. May iniisip lang si Mommy. Play ka lang diyan, okay? I'll just call your Ninang Janine. Hindi na sumagot si Emmanuel na ngayon ay engrossed na sa paglalaro ng video game. Tinawagan ni Gabbie ang kaibigang si Janine gamit ang hands-free device at nang sagutin nito ang tawag mula sa kabilang linya ay agad na nagsalita si Gabbie. Gabbie: Sorry for the sudden call, Jan. But I just want to inform you that I saw your husband's car in front of Princess' office's building minutes ago. In case you didn't know. Hindi agad sumagot si Janine mula sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ni Gabbie. Gabbie: Janine? Are you still there? Ilang segundo muna ang lumipas bago muling narinig ni Gabbie ang boses ni Janine mula sa kabilang linya. Janine: Thank you for informing me, Gabbie. I owe you one. Bye. Napataas pa ang dalawang kilay ni Gabbie nang biglang tapusin ni Janine ang tawag. Mahinang bumulong si Gabbie sa hangin. Gabbie: I hope I did the right thing. ---------- Nakangiting pinagmamasdan ni Nicolai ang inaanak na si Kiara habang nagpi-paint ito sa canvas gamit ang mga ibinigay niyang painting materials dito kanina. Tinitingnan pa rin ni Nicolai si Kiara nang biglang magsalita ang ama ni Kiara na si Nelson na nakaupo sa kanyang harapan. Naroon sila ngayon sa garden sa labas ng bahay ni Nicolai at nagulat pa si Nicolai nang makita ang mag-amang Kiara at Nelson sa labas ng kanyang gate kanina. Sinabi ni Nelson na sa bahay ni Nicolai ito dumiretso matapos sunduin ang anak nito mula sa school dahil may sasabihin daw ito sa kanya tungkol sa misis nitong si Princess na matalik na kaibigan ni Nicolai. Nelson: Sana ay hindi kami nakakaabala ng inaanak mo, Nicolai. Gusto lang talaga kitang makausap ngayon. Ngumiti si Nicolai kay Nelson at inilahad ang iced tea na nasa harapan nito. Nicolai: Uminom ka muna, Nelson. At saka hindi kayo nakakaabala. Kayo pa ba ng aking inaanak at ikaw na asawa ng best friend ko ang magiging abala sa akin? Definitely not. Alanganing ngumiting pabalik si Nelson kay Nicolai. Nicolai: Ano ba 'yong gusto mong sabihin, Nelson? Napakunot ang noo ni Nicolai nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Nelson. Nicolai: Okay ka lang, Nelson? Pilit na ngumiti si Nelson kay Nicolai bago nagsalita. Nelson: Tingin ko ay m-may ibang lalaki si Princess. Agad na nanlaki ang mga mata ni Nicolai rahil sa sinabing iyon ni Nelson. Nicolai: Paano mo na-nasabi, Nelson? Nagulat si Nicolai nang biglang iabot sa kanya ni Nelson ang isang burner phone. Nelson: Nakita ko iyan sa loob ng isa sa drawers ng divider namin sa bahay. Nang tingnan ko ang mga naka-save na number ay isang numero lang ang nakarehistro. Agad na hinanap ni Nicolai ang call logs sa burner phone. Isang numero lang ang palaging tinatawagan ng may-ari ng burner phone na iyon. Agad na dinampot ni Nicolai mula sa ibabaw ng garden table ang kanyang phone at inisa-isa ang kanyang contacts doon kung may kaparehong numero ng numerong makikita sa call logs ng burner phone. Nanlaki ang mga mata ni Nicolai nang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng numerong iyon. ---------- Gulat na napalingon si Danica nang biglang pumasok sa main entrance door ng kanilang mansyon ang kanyang kapatid na si Nate. Danica: O, Kuya Nate. Are you with Gabbie and Emmanuel? Sumilip pa si Danica sa labas ng main entrance door para tingnan kung kasama ng kanyang kapatid ang kanyang hipag at pamangkin. Tahimik na umiling si Nate at agad na dumiretso sa mini bar ng kanilang mansyon. Si Danica ay isinara ang main entrance door at sumunod kay Nate sa mini bar. Danica: Magpapakalasing ka, Kuya? Does Gabbie know about this? Iritadong lumingon si Nate kay Danica. Nate: Pwede ba, Danica, itikom mo muna 'yang bibig mo? Gusto kong mapag-isa. Leave me alone. Ngunit hindi nagpatinag si Danica sa masamang timpla ng mukha ni Nate. Danica: Don't tell me na nagtalo na naman kayo ni Gabbie, Kuya? If it's the same issue again, gosh. Pwede bang mag-move on ka na--- Hindi na natapos ni Danica ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Nate. Nate: Gabbie is taking contraceptive pills. Natigilan si Danica at hindi alam ang isasagot sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Danica: I-I--- Itinaas ni Danica ang kanyang dalawang kamay sa ere at nagulat na lamang siya nang makitang nangingilid ang mga luha sa mga mata ng kanyang kapatid. ---------- Muli na namang tinitingnan ni Margaret sa kanyang phone ang photo ng babaeng kamukha ng kanyang dating kaibigan na si Sharmaine. Ang babaeng nakita ni Margaret sa loob ng isang coffee shop sa bayang iyon. Margaret: This can't be her. Hindi pwedeng buhay si Sharmaine. Biglang umahon ang takot sa dibdib ni Margaret. Margaret: Paano k-kung buhay siya at idemanda niya kami? Biglang binitiwan ni Margaret ang kanyang phone at pumasok sa loob ng kanyang walk-in closet. Hinanap ni Margaret ang maliit na storage box na may kasamang lock na matagal na niyang itinago sa loob ng kanyang walk-in closet. Nang makita ni Margaret ang maliit na storage box ay agad niyang binuksan iyon at parang ibinalik siya sa nakaraan nang makita ang durog na bracelet na nasa loob ng storage box na iyon. Margaret: Ba-baka pwedeng magamit na ebidensya ito against me? Natatarantang muling ini-lock ni Margaret ang storage box at ibinalik sa dati nitong taguan. Ganoon na lamang ang pagkasindak ni Margaret nang marinig ang malalim na tinig ng boses ng kanyang stepbrother na si James sa loob ng walk-in closet na iyon. James: Ano ang laman ng storage box na hawak mo kanina, Margaret? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD