CHAPTER 17

2270 Words
THIRD PERSON POV Paikot-ikot na naglalakad si Princess sa hardin sa labas ng kanilang bahay ni Nelson habang hinihintay na dumating si Marco. Kanina pa kinakabahan si Princess dahil kaninang pag-uwi niya galing sa trabaho ay bigla na lamang siyang kinompronta ng kanyang asawang si Nelson tungkol sa burner phone na nakita nito sa loob ng isa sa drawer ng kanilang divider sa sala ng kanilang bahay. Ipinipilit ni Nelson kay Princess na sa kanya ang burner phone na nakita nito at itinanong nito sa kanya kung sino ang nagmamay-ari ng nag-iisang numerong nasa call logs ng burner phone. Tandang-tanda pa ni Princess kung paano niyang itinanggi kay Nelson na hindi sa kanya ang burner phone na iyon. Princess: Ano ka ba naman, Nelson? Paanong magkakaroon ako ng burner phone? Ngayon ko nga lang nakita 'yang phone na hawak mo. Tinitigang mabuti ni Princess ang phone na hawak ni Nelson at walang dudang iyon nga ang burner phone na kanyang ginagamit sa tuwing tatawagan ang kanyang kalaguyong si Marco. Nelson: Kung hindi ito sa 'yo, eh, kanino? Lalong hindi ito sa akin! Nabigla si Princess sa pagtataas ng tono ng boses ni Nelson. Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan ni Nelson si Princess at natatakot siya sa maaaring gawin nito sa kanya. Umiwas ng tingin si Princess kay Nelson. Princess: Paano kung m-may nakaiwan lang niyan dito sa bahay natin? Mapaklang tumawa si Nelson at umiling. Nelson: Maniniwala sana ako sa dahilang iyan kung ang ilan sa petsa ng registered calls ay hindi noong nakaraang linggo at ngayong linggo. Hindi napigilan ni Princess na bahagyang manlaki ang kanyang mga mata. Hindi pa rin tumitingin ng diretso si Princess kay Nelson. Princess: Well, h-hindi ko na masasagot iyan. Basta wala akong kinalaman sa phone na 'yan. Maling-maling ipahiwatig mong may lalaki ako, Nelson. Sa puntong iyon ay buong tapang na hinarap ni Princess si Nelson. Princess: Buong buhay ko, wala akong ibang lalaking minahal kundi ikaw lang, Nelson. Sa iyo ko lang ipinagkatiwala ang puso ko. Tapos ngayon ay pararatangan mo akong may iba akong lalaki. Hindi alam ni Princess kung paano niya nagawang hindi mautal habang nagsasalita gayong puro kasinungalingan ang lahat ng kanyang sinabi. Princess: Nasasaktan ako. Sadyang pinalungkot ni Princess ang tinig ng kanyang boses para maramdaman ni Nelson kung paano siyang nasasaktan sa mga akusasyon nito. Humigpit ang hawak ni Nelson sa burner phone at kitang-kita sa mukha nito ang pagpipigil na umiyak. Nelson: Mahal na mahal kita, Princess. Matagal ko nang nakita ang phone na ito. Katunayan ay lumapit ako sa best friend mong si Nicolai para alamin kung alam niya kung kaninong number ang tinatawagan ng taong gumagamit ng phone na ito. Sa puntong iyon ay bumalatay ang kaba sa buong mukha ni Princess. Paniguradong naka-save sa phone ng best friend ni Princess na si Nicolai ang number sa trabaho ng kanyang kalaguyong si Marco. Nelson: Malas nga lang at hindi rin alam ni Nicolai. Nakahinga ng maluwang si Princess dahil pinrotektahan siya ng kanyang kaibigang si Nicolai kahit pa hindi nito alam ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Marco. Ngunit kung magsalita ngayon si Nelson ay parang siguradong-sigurado ito na may ibang lalaki si Princess. Nelson: Hahayaan ko na lang naman sana at iisipin ko na lang na wala akong nakitang burner phone. Kasi masakit din sa puso 'yong ideyang may iba kang lalaki. Nakita ni Princess ang unti-unting pangingilid ng luha sa mga mata ni Nelson. Nelson: Kaso hindi ka nag-ingat, eh. Sa puntong iyon ay kumunot ang noo ni Princess. Ano ang ibig sabihin ni Nelson? Nelson: Nagplano akong bisitahin ka sa opisina mo para sana dalhan ka ng makakain dahil ang sabi mo ay mag-o-overtime ka ulit. Nagulat si Princess nang may isang butil ng luha na dumaloy sa kaliwang pisngi ni Nelson. Kitang-kita ni Princess sa mga mata ni Nelson kung paano itong nasasaktan nang mga oras na iyon. Nelson: Malapit na ako sa building ng opisina ninyo nang bigla kitang makitang pasakay sa loob ng isang kotse. Tumawa ng mapakla si Nelson kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi nito. Nelson: Tinted 'yong kotse pero alam na alam ko kung kanino iyon. Kasi nakikita ko ang kotseng iyon sa garage ng bahay ng kaibigan mong si Janine tuwing ipagmamaneho ko ang asawa niya. Halos manigas ang buong katawan ni Princess nang marinig ang sinabing iyon ni Nelson. Alam na ni Nelson kung sino ang kalaguyo ni Princess. Nelson: Maliit lang ang bayan nating ito, Princess. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang bumili ng ganoong model ng kotse. Itinakip ni Princess ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig para subukang pigilin ang kanyang paghikbi. Nelson: Galit na galit ako niyon. Gusto ko kayong suguring dalawa pero hindi ko magawa. Kasi ang sabi ko sa sarili ko ay baka may maganda kang dahilan. Mahal kasi kita. Yumuyugyog na ang mga balikat ni Princess dahil nagsisimula na siyang lumuha ng tahimik. Nelson: Hinintay kitang makauwi nang araw na iyon. Ang saya mo pa nga. Sabi ko, kaya ka pala masaya tuwing nag-o-overtime dahil may nagpapasaya sa 'yo. Nanlalambot ang mga tuhod ni Princess habang pinapanood ang pagluha ng kanyang asawa sa kanyang harapan. Hindi mahal ni Princess si Nelson pero alam niya kung gaano ito kabuting asawa sa kanya at mabait na ama sa kanyang anak na si Kiara. Nelson: Hindi ako nagkalakas ng loob na komprontahin ka nang gabing iyon. Hanggang sa makita kong ibinaba ka ng kotseng iyon sa may kanto kanina. Malungkot na ngumiti si Nelson kay Princess na nagpahagulgol sa kanya at naging dahilan para iwasan niya ang mga titig nito. Nelson: Tinanong kita ngayon dahil nagbaka-sakali akong aamin ka. Pero hindi. Pinrotektahan mo siya. Siguro nga ay mahal mo na siya. Dahan-dahang napaupo si Princess sa couch na nasa kanyang tabi habang tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak. Nagpapasalamat si Princess na nasa loob ng kwarto nito ang kanyang anak na si Kiara at gumagawa ng assignment dahil hindi niya alam kung makakaya ba niyang pigilan ang kanyang mga luha nang mga sandaling iyon. Nelson: O baka naman dati mo pa siyang mahal bago mo pa ako nakilala? Hindi sinagot ni Princess ang tanong na iyon ni Nelson at lalo lamang lumakas ang kanyang pag-iyak. Hindi na magugulat si Princess kung maririnig man ni Kiara ang kanyang pag-iyak. Nagulat na lamang si Princess nang biglang sumigaw si Nelson at nagmamadali itong lumabas ng kanilang bahay. Tumingala si Princess sa kalangitan na para bang mahahanap niya roon ang sagot sa kanyang problema. Nagulat pa si Princess nang maramdaman ang presensya ni Marco sa kanyang gilid. Naikwento na ni Princess kay Marco ang nangyaring komprontasyon sa pagitan niya at ng asawang si Nelson at ngayon ay namomroblema silang dalawa ni Marco rahil maaaring sabihin ni Nelson ang natuklasan nito sa asawa ni Marco na si Janine. Marco: Malaking problema ito kapag nagkataon. Kailangang maunahan natin si Nelson sa binabalak niyang gawin. Umiiyak na yumakap si Princess kay Marco. Princess: Natatakot ako, Marco. Alam ko kung paanong magalit si Janine. Niyakap pabalik ni Marco si Princess at binulungan siya. Marco: Huwag kang mag-alala. May naisip akong paraan. ---------- Mariing napapikit si Nicolai nang marinig ang sinabi ni Princess mula sa kabilang linya. Nicolai: Ang sinasabi mo ba ay may ibang babae si Nelson? Sinabi ni Princess kay Nicolai na si Nelson ang totoong may-ari ng burner phone at ilang beses na tinawagan nito si Marco gamit ang phone na iyon para pagmukhaing may ibang lalaki si Princess. Sinabi pa ni Princess kay Nicolai na gumagawa lamang ng paraan si Nelson para magkaroon ito ng dahilan na hiwalayan si Princess at sumama na ito sa kabit nito. Alam ni Nicolai na hindi posible ang sinasabi ni Princess dahil hindi naman alam ni Nelson ang office number ni Marco. Nang matapos mag-usap sina Nicolai at Princess sa phone ay agad na kumilos si Nicolai. Nicolai: Maaari ko pa naman sigurong maisalba ang pagsasama nina Princess at Nelson. ---------- Agad na nag-ayos si Gabbie matapos mabasa sa group chat nilang magkakaibigan ang message ng kaibigang si Princess. Palabas na si Gabbie ng main entrance door ng malaking bahay nila ng asawang si Nate nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Ang asawa ni Gabbie na si Nate. Nate: Minsan na lang akong umuwi nang maaga ay aalis ka pa. Naiiritang nilingon ni Gabbie si Nate. Gabbie: It's your fault that you were wasting your time drinking instead of spending time with me and your son. Kailangan ako ng kaibigan ko ngayon. Iyon lamang at mabilis nang tinalikuran ni Gabbie si Nate. Hindi na nakita pa ni Gabbie ang paglambong ng mga mata ni Nate. ---------- Magaling bumasa ng tao si Janine ngunit mahirap basahin ang isang tao kung kausap lamang niya ito sa phone katulad ngayong kausap niya si Princess matapos mabasa ang mensahe nito sa kanilang group chat na magkakaibigan. Umiiyak si Princess mula sa kabilang linya. Janine: Are you sure, Princess? Do you have any proof that Nelson is cheating on you? Umiyak nang umiyak lamang si Princess mula sa kabilang linya nang itanong iyon ni Janine. Janine: You know, if you can find solid evidence of Nelson's affair, pwede nating kasuhan ang asawa mo at ang babae niya. I'll ask my parents so they can assist you. Kumunot ang noo ni Janine nang biglang tumigil sa pag-iyak si Princess mula sa kabilang linya. Hindi alam ni Janine pero iba ang kanyang pakiramdam habang kinakausap niya si Princess nang mga oras na iyon. Kilala ni Janine si Nelson. Wala sa karakter nito ang mambabae. Malayong-malayo si Nelson sa kanyang asawang si Marco na isang babaero. Tumiim-bagang si Janine. Nitong mga nakalipas na araw ay kakaiba ang ikinikilos ng asawa ni Janine. Alam na alam ni Janine kapag may ginagawang kalokohan ang kanyang mister. Kung sino ang bagong babae ni Marco ay aalamin ni Janine at humanda ang babaeng iyon dahil mararanasan nito ang kalupitan mula sa mga kamay ng isang Janine Bolivar-Dela Acuesta. ---------- Muling nilingon ni Dominic si Danica bago ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Dominic: Are you sure? Sa maliit na bar sa bayan gusto mong ibaba kita? Marahang tumango si Danica. Sa halip na magpahatid sa kanilang mansyon ay sa maliit na bar sa bayan napiling magpababa ni Danica kay Dominic. Galing si Danica sa isang dinner date kasama ang manliligaw na si Dominic nang mabasa niya ang mensahe ng kaibigang si Princess sa group chat nilang magkakaibigan. Agad na nag-reply sa message ni Princess ang kaibigan nilang si Katie at sinabing naroon daw ang asawa ni Princess na si Nelson sa loob ng isang maliit na bar sa bayan kung saan umiinom si Katie ngayon. Danica: Yes, Dominic. May problema ang isa sa mga kaibigan ko ngayon and she needs all of us. Tumango si Dominic habang nagmamaneho. Si Danica ay iniisip kung totoo ba ang sinabi ni Princess na may ibang babae ang asawa nito. ---------- Inirapan ni Margaret ang hardinero nilang si Apollo matapos makita ang malagkit nitong titig sa kanya. Apollo: Napakaganda niyo talaga, Miss Margaret. Napakaputi at napakakinis ng inyong kutis. Parang gustong maeskandalo ni Margaret dahil sa sinabing iyon ng kanilang hardinero sa kanya. Gustong sampalin ni Margaret si Apollo rahil sa kawalang-galang nito sa kanya kung hindi lamang nito alam ang isa sa kanyang mga sikreto. Apollo: Parang ang sarap niyong tikman. Malisyosong pinasadahan ng dila ni Apollo ang ibabang labi nito habang malagkit na nakatitig kay Margaret. Doon ay sumabog na ang tinitimping galit ni Margaret at agad na nilapitan si Apollo na nakatayo sa bungad ng kusina. Akmang sasampalin na ni Margaret si Apollo nang marinig niyang dumating na ang kotse ng kanyang stepbrother na si James. Matalim ang mga matang tinitigan ni Margaret si Apollo. Margaret: We're not done yet, Apollo. Pagsisisihan mo itong pambabastos mo sa akin. Agad na tinalikuran ni Margaret si Apollo at nagmamadaling sinalubong ang kanyang kapatid sa main entrance door. Parang gustong mawalan ng ulirat ni Margaret nang makita niya kung sino ang kasama ni James sa pagdating nito sa kanilang malaking bahay. Kasama ni James ang isang babaeng kamukhang-kamukha ng dating kaibigan ni Margaret na si Sharmaine. James: Margaret, I want you to meet Bridget Marfori. Bagong investor ng ating winery business. Parang nanghihina ang buong katawan ni Margaret habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ng babaeng nagngangalang Bridget Marfori. May pakiramdam si Margaret na ang babaeng kasama ni James ngayon ay ang babaeng nakita niya sa loob ng isang coffee shop ilang araw na ang nakalipas. Bridget: Hi. James already told me he has a stepsister. Margaret, right? Parang umiikot ang buong paligid ni Margaret. Parang hihimatayin si Margaret nang mga sandaling iyon. ---------- Kanina pa binabantayan ni Katie si Nelson kung lalabas ito ng bar na iyon o hindi. Nagpapakalasing si Nelson nang mga oras na iyon at naroon lamang si Katie sa isang sulok ng bar at pinapanood ang pag-iyak ni Nelson habang tinutungga nito ang ilang bote ng likidong nakalalasing. Katie: Kung may babae si Nelson, hindi ba rapat ay si Princess ang nagpapakalasing ngayon? Nagulat pa si Katie nang marinig niyang tumutunog ang kanyang phone. Tumatawag ang kaibigan ni Katie na si Nicolai. Agad niyang sinagot iyon. Katie: Yes. Nandito pa si Nelson. Matapos makipag-usap ni Katie kay Nicolai ay umiling siya. Mamaya lang ay darating na ang mga kaibigan ni Katie sa loob ng bar na iyon at hindi gustong isipin ni Katie ang mga posibleng mangyayari kay Nelson oras na makaharap nito ang kanyang mga kaibigan. Wala sa loob na napahawak si Katie sa kanyang suot na promise bracelet. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD