Chapter 19: Aye aye Kapitan Ortega

2008 Words
Margaux's POV "C'mon Margaux, you can do it." Sabi sa akin ni Neil habang tinulungan ako na i-balance yung sarili dito sa surf board.  "I can't. Hindi ko talaga kaya Neil." Sagot ko naman kay Neil while trying to balance myself.  Nanginginig na yung tuhod ko kasi nga hindi ko yata talaga kaya and besides, hindi ako makafocus dahil iniisip ko parin yung buko juice kanina. The buko juice and the straw that we shared awhile ago. Tapos yung indirect kiss namin kanina, sheyt!  "Margaux? Are you listening?" Bumalik na ako sa reyalidad noong narinig ko yung boses ni Neil.  Tumingin ako sa kanya then I saw him frowning with both of his hands on his waist. Ang cute niya naman!  "Ang cute mo po kapitan." Pabirong sabi ko sa kanya.  Totoo naman kasi na cute siya dahil sa itsura niya ngayon. Para siyang bata na naguguluhan.  "Really Margaux? You think I'm cute?" He looked surprised because of what I told him.  What's wrong? Totoo naman na cute siya.  "Yeah and you're handsome too captain." Nakangiting puri ko sa kanya.  Ghad! Ang honest ko namang masyado kay kapitan Ortega haha.  "Yeah? You think so? Hindi ko alam na gwapo pala ako sa paningin mo. Baka naman may pagnanasa ka sa akin Margaux? Sabihin mo lang haha." Pabirong sabi niya sa akin.  Hinahamon yata ako ni kapitan ng biruan, hmmm. Gusto ko din na buruin siya kaya kinagat ko yung lower lip ko tapos tinignan siya mula ulo hanggang paa.  Toned muscles, check.  Six pack abs, check.  V line sa ano niya, check.  "Hmmmm, pwede na." Sabi ko sa kanya tapos umiwas na ako ng tingin.  Masyado siyang hot sa paningin ko kaya baka hindi ko na kayanin. Hot si Neil pero paano na kaya kapag si Adrian na ang makikita kong topless? Siguro ay mangingisay na ako dahil sa kilig pero alam ko naman na hindi ng hindi ko makikita si Adrian sa ganoong ayos. I will never get the chance to see him topless and its a big lost for me.  "Wow. Don't underestimate me Margaux dahil madami yung mga babae na nagkakandarapa sa akin tapos sasabihan mo lang ako ng ganoon? Ang sakit ha." Sabi sa akin ni Neil habang hawak yung puso niya.  Ang drama naman ni kapitan, haha.  "Oh sige sorry na. Ang hot mo po kapitan." I told him and then we laughed.  "Oh siya, umayos ka na at tuturuan ulit kita kung paano magbalance para hindi ka mahulog sa tubig." Pag-iiba ni Neil sa among usapan kanina.  So he's really willing to teach me how to surf. Fine, gagawin ko ang lahat para lang matuto kung paano magsurf.  "Sige nga, turuan mo na ako. I'll take it seriously this time." Seryosong sagot ko sa kanya.  "That's the spirit! Halika na doon tayo sa may medyo malalim." Sabi sa akin ni Neil tapos sinakay niya ako sa surf board habang siya naman ay nasa side ko. Inaalalayan niya ako para hindi ako mahulog sa tubig. Nagmuka tulog kaming magjowa hahaha. Alam niyo yung para akong nakasakay sa kabayo tapos siya naman ay naglalakad lang tapos Inaalalayan ako. Iyon yung naiimagine ko dahil sa siywasyon namin ngayon.  "Neil baka mahulog ako sa tubig. Oo nga't alam ko kung paano lumangoy pero nakakahiya kapag mahulog ako dito sa sufrf board." I told him with my hysterical voice.  What if mahulog ako dito tapos may nakakitang iba? Syempre instant na kahihiyan iyon most especially kay Neil. Kinakabahan din ako ngayon dahil nga tuturuan niya ako kung paano magsurf. Bakit noong tinuturuan ako nila Jen ai hindi manlang ako kinabahan kahit slight lang? Ganoon ba kapag hindi seryoso? Now that I decide to take it seriously ay sobra ang kaba na nararamdaman ko. Oo nga at excited akong matuto lalo na ngayong si kapitan na ang magtuturo sa akin pero mas nangingibabaw parin yung kaba. Ignorane pa naman din ako pagdating sa surfing na ito.  "Ano ba iyang sinasabi mo Margaux? I won't let you fall into the water okay? Hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sa iyo." Sabi sa akin ni Neil with his very sincere voice. Oh kapitan pakiusap. Huwag kang ganyan!  "I trust you but ewan ko ba kung bakit ang dami ko paring doubts. I'm doubting myself kung kaya ko ba or hindi." I honestly told him. Paano nalang king talagang hindi ako matututo? Syempre masasayang yung effort ni Neil para lang maturuan ako.  "Don't doubt yourself Margaux. I know you can do it alright? Matututo ka din and I'm very willing to teach you Okay? You can do it." Neil replied with his assuring voice.  Bakit ganyan ka sa akin kapitan? Sana talaga lahat ng lalaki ay kagaya mo kapitan para wala ng nasasaktan na babae dito sa mundo. Sana lahat ng lalaki ay katulad mo na palaging sincere at hindi yung harsh na magsalita. Sana lahat ay kagaya mo at hindi kagaya niya na mapanakit masyado. Sana lahat ng lalaki ay naging Captain Neil Ortega nalang.  "But if you're not ready to learn then I'll teach you next time. Maybe sa next time na iyon ay handa ka na. I won't force you to learn so I can wait hanggang sa gusto mo na talagang matuto." He sincerely said.  Bakit ba ang sincere mo masyado kapitan?  "Gusto Kong matuti kaso nahihiya talaga ako sa iyo captain. Paano nalang kung hindi na talaga ako matututo? Syempre nakakahiya kasi sinayang ko lang yung effort mo para lang turuan ang isang zero knowledge na katulad ko. Trust me, I know the feeling of teaching a zero knowledge. Ang hirap, sobra." Sagot ko naman sa kanya.  "Ani ba iyang sinasabi mo Margaux? I told you that its fine with me. I'm very willing to teach you so huwag mong sabihin ang mga iyan. You are worth teaching so please just let me teach you." Pakiusap niya sa akin.  He's really into teaching me huh? Sige na nga, gagawin ko ang lahat ng kaya ko para lang matuto. Swerte ko din dahil si hot captain yung matuturo sa akin kaya I'll grab the opportunity. Sayang kapag hindi pinalampas ko pa ang chance na ito.  "Alright. Ready na talaga ako. Please bear with me dahil wala talaga akong alam." Paumanhin ko Kay Neil.  Umangat naman yung tingin ni Neil sa akin tapos nilagay niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang side ng surf board. Bale ang itsura namin ngayon ay ganito. Nakaupo ako dito sa surf board habang siya naman ay para niya akong kinulong sa magkabilang kamay niya habang nakatingala sa akin.  GOODNESS! Iisipin talaga ng mga nakakakita sa aming dalawa ngayon nag magjowa kami. Sheyt, ano na ang sasabihin ko sa kanya? Ang awkward naman ng ganito!  Bigla namang dumaan sa isipan ko na paano kaya kapag si Adrian ang kasama ko ngayon dito? Paano kapag siya yung kasama ko ngayon at hindi si Neil? Ang dami kong iniisip pero ang tanong ay kung magagawa pa niya yung ganitong bagay sa akin? Siguro nga ay baka balewalain na naman niya ako or worst he will just walk away from me. Hindi nga kasi niya ako kayang pansinin maybe he really thinks that hindi ako worth it para pansinin niya. Okey, masyado ko na namang dinurog yung sarili ko. Real talk, ang sakit lang kasi sa part ko lalo na yung mga katagang sinabi niya sa akin noong umaga.  "You sure? Pwede ka pang magback out kung gusto mo. I'm sorry if I pressured you awhile ago." He apologized pero hindi ko alam kung bakit siya nagsorry.  "No Neil, you're wrong. Hindi ako na pressure kanina sayang gusto ko na talaga ng matuto kaya ako pumayag na magpaturo sa iyo." I told him.  "Alright. I'll teach you now." Nakangiting saad niya sa akin.  Pwede na siyang gawing model ng Close-up haha. Anyways, nasabi ko ba sa inyo na matanggad ang kapitan natin? Well, if not yet then I'm telling you that he's really tall dahil a boy hanggang dibdib niya lang yung tubig dito sa pinuntahan namin. Siguro kapag ako yung bumaba ay aabot hanggang sa ulo ko yung tubig. Baka nga lulubog pa yung ulo ko unlike him na hanggang dibdib niya lang talaga.  "Yes! Sige paano ba yung una? Ano ba yung dapat kong gagawin? Sabihin mo sa akin king ano yung mga technique para hindi matumba habang nakatayo dito sa surf board." Sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko. "Take it easy Margaux. Dont rush things okay? Ang una mong I-practice ngayon ay kung paano ka tatayo diyan sa surf board ng hindi natutumba.In short, you need to balance yourself." Sabi sa akin ni Neil habang inaalalayan ako na tumayo dito sa surf board.  "Sige ayan na. Tatayo na ako basta ganyan ka lang muna. Alalayan mo ako haha." I told him habang pinipilot na makatayo dito sa surf board.  "Ayan na! Makakatayo na ako" Masayang sabi ko.  Nakatayo ako pero may nakita ako kaya bigla akong nawalan ng balanse. Nahulog ako sa tubig pero agad naman akong hinawakan ni Neil sa waist ko kaya naka-ahon agad ako.  "What happened? Bakit bigla kang nahulog?" Concern na tanong sa akin ni Neil.  Nakita ko kasi so Adrian na nakatingin sa amin mula sa upuan namin. He was staring at us habang umiinom doon sa buko juice ko. I was so shocked kaya bigla akong nawalan ng balanse at nahulog sa tubig. Buti nalang sinagip agad ako ni kapitan.  "Sorry dahil bigla akong nawalan ng balanse. I promise that I will do better next time." I apologized to him.  "Ayos lang iyon. Umahon muna tayo bukas nalang ulit kita tuturuan. Bumalik mun atayo sa dalampasigan habang hinihintay yung mga kaibigan mo. Mukhang nag-e-enjoy sila kaya hintayin muna natin sila before tayo kumain ng lunch. As for tomorrow, kailangan mong magready dahil medyo mahirap talaga ang ituturo ko sa iyo. Be early tomorrow okay?" Sabi ni Neil tapos sinakay ulit niya ako sa surf board habang pabalik kami sa dalampasigan. Haysssss. Too gentleman and sincere. Ikaw na Kapitan Ortega, haha. Ang swerte ng magiging asawa niya in the future dahil nasa kanya na ang lahat. I just hope na ganito din si Adrian pero kahit siguro magunaw ang mundo ay hindi iyon mangyayari. Humihilik siguro si Adrian noong nagpa-ulan si Apo Diyos ng good qualities kaya hindi siya nakasalo ng kahit isa manlang sa mga iyon. Katigasan ng puso tapos coldness ang nasalo niya and man, he's a pro in that field.  "So are you in for tomorrow's practice? I'll be your very hot instructor, haha." Sabi ulit sa akin ni Nel.  "Aye aye Kapitan Ortega." Sabi ko tapos sumaludo din ako sa kanya.  Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya dahil hindi ko nga kasi kailangan na magpapansin sa kanya. Hindi din siya harsh sa akin kaya I feel so free to talk with him ng mga kahit ano anong bagay. I don't feel rejected kapag kasama ko siya compared to what I always feel when I see Adrian. I experienced hundreds of rejection because of him but I still love him despite those hurtful words na lagi niyang sinasabi sa akin. Mahal ko parin siya kahit masakit na at alam Kong tanga ang tawag sa isang katulad ko.  "Silly. Tara na doon sa dalampasigan. You need to rest mukhang kinulang ka sa tulog kagabi dahil may eyebags ka." Sabi ni Neil habang tumatawa parin.  Ha? Halata na may eyebags ako? Hindi nga kasi ako masyadong Naka tulog kagabi dahil sa warm water na iyon! Hindi ko naman alam na mapapansin pala ni Neil pero bakit hindi napansin nila Jen? Hindi naman kapansin-pansin yung eyebags ko kasi nakita ko sa salamin kanina pero syempre kapag matagal mong titigan yung Mata ko ay mahahalata mo. So ibig sabihin ba ay tinititigan ako ni Neil? Or baka very observant talaga siya. Oo tama. Baka mahiligin siyang mag-observe ng mga bagay bagay.  Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Adrian pero nakita ko siyang naglalakad paalis.  Bakit kaya nakatingin sa akin si Adrian? Akala ko ba umalis siya kanina? Bakit siya nandoon sa pwesto namin kanina? At bakit siya nakiki-iinom na naman sa buko juice ko?  What's your reason Adrian?  °°°°°Guys, I'm sorry for updating this Chapter late. May sakit po kasi ako and I'm busy with my requirements sa school. I hope you'll understand, thank you very much. Lovelots❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD