Umaga na.
Papasok na ako
Kung tungkol kagabi? Di ko namalayan na sinundan pala ako ni Joyce palabas nung gabing yun at nakita nya akong hinahanap ko si Brent at nakita pa nya akong kinausap ko daw sya
Which is nahalata nya
Sinabi ko lahat sa kanya nung gabing iyon and yes. I was really attractive to him
Natuwa naman si Joyce dahil isa sa mga kaibigan ni Yuxell ay may nagustuhan ako at si Brent nga iyon
Tinanong ko sya bakit sya ganun umasta sabi naman ni Joyce Personal problems daw iyon at bawal daw nyang sabihin baka daw magalit sa kanya si Brent
Nakakagulat nga ehhh nakuha nyang mag open kay Joyce samantalang napaka sungit at sobrang lamig nyang magsalita at parang gusto na akong saktan
Katakot.
At yun na rin yung huling gabi na nagkausap kami ni Joyce nangako naman ako sa kanya na lagi akong bibisita sa kanila
"Hoy shar! Dali baka malate ako!" sigaw ng ate ko mula sa baba kahit kailan talaga parang nakakain ng mic si ate sa lakas ng boses nya sa laki ng bahay namin
Inayos ko na ang sarili ko. Hindi ako sanay ng wala si Joyce sa tabi ko. May mga kaibigan pa naman kaming iba pero si Joyce kasi ang bestfriend ko kaya mahirap ng wala sya.
Simple lang ang ayos ko. Nakalugay lang ako dahil di ako sanay na mag ipit dahil sa kapal ng buhok ko at mabigat din hindi naman ako kulot natural straight ang buhok ko at itim na itim at hanggang bewang ko pa
Bumaba na ako at nakita ko ang ate na naka formal attire na sya dahil alam nyo na..
Sumakay na kaming pareho sa kotse ang ate ko na ang maghahatid sundo sa akin dahil nga di ko na kasama si Joyce
Nakakamiss yung magkasama kami lagi lumalabas lang yung kakulitan ko dahil sa kanya at nawawala din yung hiya ko pero dapat masanay dahil sa ngayon ay isa na syang Ina at Asawa
"Wag kang magalala Shar makakahanap ka din nang iyo" nakangising sabi ni ate pero sinimangutan ko lamang sya
Sabi nila kambal daw kami ni Ate dahil magkamukhang kamuka kami pero magkapatid kami hindi kambal sadyang mabilis lang sila mama at papa para magawa nila ako
Oops
"Sige na Baba ka na susunduin kita" sabi ni Ate at nagpaalam na ako sa kanya
Pumasok na ako sa university na pinapasukan ko as always oo nga pala wala si Joyce
Pumunta ako sa locker ko naalala kong laging nakikishare ng locker si Joyce sa akin lagi lagi hahaha
Pagkasara ko ng locker bigla kong nakita ang isang lalaking matangkad na nasa counter mukhang pamilyar sa akin ang posture nya
Unti unti akong lumapit sa kanya
"Yael?" tawag ko bigla syang lumingon sa akin ngumiti sya ng malawak
"Uyy! Morning Shar!" masayang bangit nya at niyakap ako kinapula ko naman
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya tumawa sya
"Magaaral" pilosopo nyang sabi
"Hahaha i was joking but yes magaaral ako dito huy same age lang tayo mas matanda ako sayo sa month but that's fine and good news! Classmate tayo! Yey!" masayang sabi nya
Wait kung 19 sya so ibig sabihin..
"So 19 din si Brent?" tanong ko napatingin sya sakin dahil inaasikaso nya yung mga papeles nya
"Ahh oo Mas matanda sya sakin ng isang taon pero magkasunod lang birthday namin ayy hindi si mommy ang kasunod kong mag birthday!" parang bata nyang sabi pero bagay sa itsura nya dahil cute si Yael
"Mommy? Mommy mo?" tanong ko tumawa sya
"My second mommy i mean hahaha Si Mommy Michelle at si Daddy Yuxell diba diba? Hahaha" sabi nito medyo nakornihan ako at napaka weirdo pala nito
"So... Asan Room natin?" tanong nito at naglakad lamang ako naramdaman ko naman syang sumunod sa akin
"Paano mo nalaman na dito ako nagaaral?" tanong ko
"Aahh sinabi sakin mi Mommy Michelle kaya pina transfer nila ako dito buti nga punayag sila mom and dad Scholar naman ako kaya accelarated ako kahit saan" pagmamayabang nito
Edi sya na!
Nasa tapat na kami ng room namin bali nasa second floor kami at pinakadulong room kami pero air condition naman pinihit ni Yael yung doorknob pero mukhang di nya alam kung pano ito buksan
"Lock ohh. Sana sinabi mo man lang edi sana nakahirap tayo sa office ng susi" sabi ni Yael
"Nope. Walang susi yan" sabi ko kinataka naman sya
"Pano natin toh bubuksan? Aakyat tayo ng bintana?" taka nya natawa naman ako nilayo ko sya sa pinto at..
*BLAG*
nakita ko ang pagkagulat si Yael sinipa ko kasi yung room kaya nabuksan ko ito
"Sira na talaga yung doorknob namin kaya sinisipa lang namin yan" sabi ko saka pumasok ng room
Naglibot si Yael sa room
Sa totoo nyan walang design ang room namin kumpara sa ibang naming schoolmates dahil makikita mo room nila puro designs at iniingatan pero kami? Lagyan mo ng mga designs yung board namin wala pang isang oras nagsitanggalan na yan hindi kusa mismo mga kaklase ko nagsisira
"Nakakatuwang isipin na ito pang section ang pinili mo" sabi ko at umupo sa harapan dahil kami mismo ni Joyce ang magkatabi dito sa harapan at umupo naman si Yael sa pwesto ni Joyce
"Bakit naman?" tanong nito sa akin
"Kami pinakaworst na section sa lahat" sabi Ko tumawa naman sya na hindi makapaniwala
"Totoo nga." sabi ko at tumawa
"So ikaw lagi ang unang pumapasok?" tanong ni Yael
"Minsan oo minsan hindi. Kasi lagi kong kasama si Joyce minsan sabay kaming pumasok minsan din hindi"paliwanag ko tumango naman sya
"Pano pag absent ka o si mommy sino mga kasama nyo?" tanong oa nito
Curious talaga sya?
"Mga kaibigan pa namin pero mas magkasama kami ni Joyce ang nakakatuwa lang kasi yung parehong pareho kayo tulad na kapag absent sya lagi akong tinatanong kung asan sya o kung ano nangyari sa kanya kaoag wala ako sya naman tinatanong ng ganun" paliwanag ko sa kanya
"Hmm.. You are very close to each other.. You know" sabi nito tumango ako
Sumakto biglang pumasok ang president namin at umupo sa gilid ni Yael
"Sino ka?" biglang tanong ng president
"I'm new here. Transferee. Yael Rowley" pakilala nito
"Ej. President" pakilala nito tumango naman si Yael
"So.. san nakaupo si mommy?" tanong nito
"Inuupuan mo" bangit ko nagulat sya
"Seryoso?" di makapaniwala nito tumango ako
Kung iisipin nyo kasi 2 groups na magkahiwalay yung mga upuan namin dito sa first row may limang upuan sa second row hanggang pangatlong row apat ang mga upuan at last row naman may tatlo sa amin sa kabila naman dalawa
At sa group namin puro lalaki ang mga nakaupo at mga pasaway pa ang magkakatabi maliban sa amin mga harap dahil dalawa lang kami ni Joyce ang babae at sa kanan ni joyce ang president namin at ang top 1 pa so bali nasa gitna namin si joyce sa kaliwa ko naman bakla ang nakaupo sa dulo naman namin walang nakaupo sa kabilang group naman sila naman yung halo halo at sila ang magbabarkada isipin nyo 15 silang magbabarkada at yung iba naman ka vibes namin at nakakasama namin kapag isa sa amin ni joyce ay walang kasama pero napakabuti naman nila
Yung iba nga lang plastic
Medyo nakakapagtaka noh? Kasi kulang kami at kami pa ang pinakaworst na section
"so ilan tayong lahat?" tanong ni Yael
"29 pero baguhan ka and wala si Joyce so 29 parin" sabi ko tumango sya
Maya maya pa ay nagsidatingan na ang iba naming mga kaklase at nabibigla sila kay Yael dahil nga baguhan at marami nang naaliw sa kagwapuhan nya
"Ang creepy pala ng mga kaklase mo" bulong ni Yael
"Natin"bangit ko maya maya pa ay dumating na ang isa pa naming kaibigan ni Joyce si Daniel at Darryl lumapit silang dalawa sa akin
"Ohh musta na si Michelle?" tanong nila
"Okay lang naman"sabi ko pagkakaalam ko pumunta sila ng kasal kagabi ehh
"Aahh kilala kita isa sa mga kaano ano ni Michelle?" sabi ni dave
"Ahhh oo bro mommy ko i mean Asawa ng kaibigan kong kinasal"sabi ko
"Yung Yuxell? Asawa ni Michelle?" tanong ni Darryl tumango si Yael
"Nice. Welcome to our family pare" sambit ni darryl
"Dave pala" pakilala ni dave
"Darryl" sabi naman nya
"Yael" pakilala ni Yael
" di namin inaasahan na nandito ka pre mas okay na yun para may laging kasama sa ngayon si Shar dahil wala na nga si Joyce" sabi ni Dave tumango tango naman si Yael
*BELL'S RANG*
"Bro baba na kayo Opening ceremony na kami malalagot kapag di pa kayo bumaba agad" sabi ni Dave oo nga pala Officer sya dito sa campus kaya maraming takot sa kanya at nagiingat sa harap nya
- Yael Rowley
~Ahgase