Faye's p.ov Matapos ang masayang meryenda nila ay nagpaalam ang nobyo sa kanya na maglalakad lakad lang muna sa labas.Pinayagan naman niya ito ngunit mahigpit niya itong binilinan na huwag lumayo dahil hindi naman nito kabisado ang pasikot sikot ng lugar nila. Pero ang sabi naman nito ay maglalakad lang ito sa paligid at natatandaan naman daw nito ang mga pinuntahan nito at ng kanyang manong Ben, kaya hinayaan na lang niya ito. Pagkapasok niya pa lang sa kusina ay nakita na niya ang kanyang manang Lisa na naglilinis ng bangus na isda sa lababo."Nang, kakakain lang natin ng meryenda pero naghahanda ka nanaman ng lulutuin?" Tawag niya sa pansin nito . Tila nagulat pa ito ng bigla siyang magsalita mula sa likod nito,."O anak ang akala ko ay sinamahan mo ang nobyo mo para maglakad lakad salab