Fayesp.o.v Narito sila ngaun sa isang private building dito lang din sa lungsod ng baguio. Ang sabi ng asawa ay narito daw ang sasakyan nila patungo sa destinasyon ng kanilang honeymoon, hindi niya alam kung saan ang kanilang honeymoon pero nirequest niya sa asawa na kung maaari ay huwag na silang lumabas ng bansa at ang gusto sana niya ay sa malapit sa beach, gusto kasi talaga niya ang dagat ,at talagang pangarap niya ang makabakasyon sa mga magagandang lugar dito sa Pilipinas na may magagandang dagat. Nang makapasok sila sa loob ng building ay nagulat pa siya dahil isa pala iyong tila art museum maraming nag gagandahang artworks ang nakadisplay doon , hindi tuloy niya napigilan ang sarili na lapitan ang mga art works na nkadisplay doon tumagal sila ng ilang minuto doon dahil sa kanyang