Dumating ang araw ng pag uwi ni Faye sa probinsiya, maaga siyang gumising para maghanda sa pag alis biyernes na ng araw na iyon ngayon ang cimula ng 3 day leave na ipinagkaloob sa kanya ng nobyo simula ngayon biyernes ,sabado at sa lunes. Excited na siyang makita ang mga magulang, ngunit siyempre iniisip din. iya ang nobyo na ilang araw din niyang hindi makikita at, makakasama iniisip pa lang niya ay namimiss na niya ito. Pero naiintindihan naman niya kung bakit hindi ito nagooffer na samahan siya sa probinsiya tambak naman kasi ang trabaho nito sa opisina kahapon nga ay kabi -kabila ang mga meetings nito at talagang marami itong inaasikaso kaya halos hindi rin niya ito nakakausap puwera na lang sa mga utos nitong may kinalaman din sa trabaho, at isa pa ay ayaw din niyang malaman nito ang