"Nabusog ka ba?" tanong ni Lucian nang makitang ubos na ang pagkain ni Lorna sa plato nito. Nakabusangot ang mukha ni Lorna nang tingnan siya. "Bakit mo po tinatanong? Doon ka na lang sa Divine mo. Makipaglaplapan ka sa kanya buong magdamag." Nanlaki ang mata ni Lucian. "Bunganga mo naman! Alam mo namang ginagawa ko lang ito para hindi siya makahalata sa atin. Nahahalata kasi niya na halos na sa iyo na ang atensyon ko. Nabanggit pa niya kanina na muntik na niyang maisip na iba na ang pagmamahal ko sa iyo. Na hindi na ito bilang kapatid. Kinabahan ako dahil doon kaya hinahayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin," mahabang pahayag niya. Umirap si Lorna. "Okay sige po, kuya.. Sabi mo eh. Enjoy ka lang, ha? Mag- enjoy ka lang." Padabog na inilagay ni Lorna ang kaniyang pinagkainan sa l