"Lorna...." Tumigil sa paglalakad si Lorna. Nagdire- diretso na kasi siya sa loob ng kanilang bahay at hindi niya pinansin si Lucian na nasa sala. Hinihintay siya nito kanina pa. Wala na doon si Divine dahil pinauwi na muna ni Lucian. Mabagal na pumihit si Lorna at saka niya tinitigan si Lucian na para bang sinasabi ng mga mata niya, wala siyang ganang kausapin ito. Malungkot ang mga mata ni Lucian na nakatingin sa kanya. Pasimple niyang kinurot ang kaniyang sarili. 'Hoy, Lorna ano ba! Hindi ka dapat magpapadala sa malungkot niyang mukha na talaga namang napakaguwapo! Tandaan mo, lugi ka! Luging - lugi! May girlfriend siya, ikaw wala kang boyfriend! Huwag kang marupok!' "Ano po iyon? May kailangan po na kayo, kuya?" kaswal na saad niya nang hindi ngumingiti. Walang ekspresyon ang mukh