"Wow..." Namangha si Lorna sa ganda ng lugar doon. Modern kubo style ang mga room doon na talaga namang nagustuhan ni Lorna. Pinalibot ni Lorna ang kaniyang mga mata. Lumakad sila paibaba at doon na niya nakita ang sinasabing falls. Maliwanag ang paligid sa dami ng ilaw na nandoon. At nakikita niya ang malinaw na tubig. Nasabik siyang bigla na lumusong sa tubig doon. Hinayaan lamang siya ni Lucian. Nakasunod ang tingin nito sa kaniya. Lalong lumawak ang ngiti ni Lorna dahil hindi masyadong malamig ang tubig doon. Tamang - tama lang ang lamig nito kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pang lumusong. "Woooh! Ang sarap maligo!" hiyaw ni Lorna habang naglangoy - langoy na doon. Hindi na nakapagpigil pang lumangoy doon ang dalaga. Nakangiting pinagmamasdan naman siya ni Lucian. Ngayon n