Kabanata 2
NANG magising siya'y halos mamanhid ang buong katawan niya. Marahil siguro ay ganoon lang ang naging posisyon niya buong biyahe.
Napahikab siya at napaunat ng kanyang mga braso. All she feel was body pain. When she suddenly realized that she's been drag to be with this jerk.
Mabilis siyang lumabas ng kotse. She's in the middle of nowhere for Pete's sake!
"That stupid jerk! Saan ba ako dinala ng lalaki iyon!" inis niyang wika sa sarili.
Napalinga-linga siya sa kanyang paligid. Nasa isang liblib na lugar siya. May nakikita din siyang farm ng sagingan sa 'di kalayuan habang sa kabilang gawi naman niya'y ang malawak na sakahan. Now where the hell she is at this moment!?
Wala sa tabi niya ang lalaki at hindi niya alam kung saan ito nagpunta.
Binuksan niya ang pinto sa backseat at kinuha ang kanyang bag. Hinagilap niya ang kanyang cellphone ngunit laking dismaya niya dahil wala roon ang kanyang cellphone. It must be taken by him!
"Ugh! This is not happening to me!" bulyaw niya sa kawalan.
Sa sobrang frustrations niya'y kinuha niya ang kanyang cigarette holder at cigarette extender. Sinindihan niya ito gamit ang lighter na nakakabit sa kanyang cigarette holder.
"This is not happening to me! f**k!" mahinang bulong niya sa sarili habang hinihithit ang sigarilyong hawak.
Sumandal siya sa kotse at napamasid sa kanyang paligid. Yes, the place was quite nice and relaxing. She close her eyes. Kahit na may usok ng sigarilyo ay amoy na amoy niya pa rin ang preskong hangin. She must be somewhere far from home. Iyan agad ang pumasok sa isip niya. She knew something was odd too.
Bigla namang may umagaw sa hawak niyang sigarilyo. Tinanggal nito ang stick sa pagkakakonekta nito sa kanyang cigarette extender.
"Smoking is prohibited my lady," anito at inapakan ang nangangalahati niya nang sigarilyo.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" mangha niyang tanong sa lalaki.
"Simple lang, kasama kita kaya kargo kita."
"Bakit? Itinanong mo rin ba sa akin kung gusto kitang makasama? For your information if you're having an amnesia. I was drag here by you and now you keep on telling me what to do and what should not? You jerk!" bulyaw niya.
"Maingay ka," anito at pinaningkitan siya ng mga mata. She glared back at him. He just smirked. Kinuha nito ang bag niya sa loob ng sasakyan at hinila na siya nito. She was drag again by force until they stop in front of the wooden house. Yes! A wooden—vintage house to be exact.
"Saan mo ba kasi ako dinala!?" tanong niya ulit at inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso.
"Nasa amin," tipid nitong sagot. Napaawang naman ang kanyang mga labi. No freaking way!
May lumabas naman na matandang babae at sumalubong sa kanilang dalawa.
"Gabrielle? Anak, napaaga yata ang uwi mo at—" Napatigil ito nang makita siya. Lumapit naman si Gabrielle sa mantandang babae. Nagmano ito.
"'Nay, emergency po kaya napaaga ako nang uwi. Siya nga ho pala, si Kathleen, anak ng amo ko, dito ho muna siya pansamantala habang may inaayos pang importanteng bagay."
Napatingin naman ang matandang babae sa kanya. Hilaw siyang napangiti dito. Sinuklian din naman siya nang matamis na ngiti ng matanda. Lumapit ito sa kanya.
"Halika ija, pasok ka. Pasensiya ka na sa bahay namin ha, alam kong hindi ito ang nakasanayan mo pero sigurado naman akong magiging kumportable ka rito."
Nagdudumilat ang kanyang mga matang napatingin kay Gabrielle. Wala lamang itong ginawa at tinitigan lang din naman siya.
"Okay lang po," mahina niyang sagot sa Nanay ni Gabrielle.
Now she feels like she lost her tongue. Ayaw din naman kasi niyang maging bastos sa matanda.
"Gabrielle, halika na't ipaghahanda ko na kayo ng almusal," wika ng matanda.
Bigla naman siyang kinabig ni Gabrielle sa kanyang baywang at pinaupo sa silyang gawa sa ratan.
"Behave," matigas na wika nito. Napalunok siya. Oh crap! Pakiramdam niya tuloy ay parang tuluyan na ngang nawala ang kanyang dila dahil hindi man lang siya agad nakaimik.
"'Nay, may binili ako sa baryo na almusal, huwag ka na mag-abala pa sa pagluluto," ani Gabrielle.
"Oh siya, akin na at ihahain ko."
Kumilos naman agad si Gabrielle para ibigay dito ang dalang mga plastic na supot. Pagkatapos ay umupo si Gabrielle sa isa pang silya habang kaharap siya.
"Could you please tell me what was going on?" mahinang tanong niya kay Gabrielle.
"Kapag tumawag na ang ama mo, saka mo malalaman."
Mahina siyang napapadyak. Mabuti na lamang at gawa sa semento ang sahig dahil kung nagkataong gawa sa kahoy ay talagang magdudulot ito nang malakas na ingay.
"Wala ka bang sariling pag-iisip? Puwede mo namang sabihin sa akin na lang kung anong nangyayari, 'di ba? Bakit kailangan ko pang maghintay sa tawag ni Papa!"
Halos tumaas na ang kanyang boses pero pinigilan niya pa rin ang kanyang sarili at umaktong kalmado kahit na ang totoo'y para na siyang sasabog. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong binibitin siya sa ere. Ayaw niya ng suspense. Narinig naman niyang bumuntong-hininga ito.
"Kumain ka muna," utos nito at biglang tumayo.
"Hoy! Teka!" habol niya ngunit bigla naman itong lumabas ng bahay.
"Kathleen, pagpasensiyahan mo na ang anak kong iyon ha, talagang ganoon iyon kasungit kapag may problema. Nahihirapan yata siyang ihiwalay iyon sa trabaho niya at—"
Bigla namang bumalik si Gabrielle.
"'Nay," pigil nito at seryosong napatitig sa matanda.
Hilaw namang napatawa ang inay nito.
"Oh, siya, napadami yata ako nang sinabi. Kumain na kayo anak. Maiwan ko na muna rin kayo at tatawagin ko pa ang ama mo Gabrielle."
"Sige ho," sagot naman ni Gabrielle.
Umalis na ang matanda at naiwan silang dalawa. Nagdudumilat naman ang kanyang mata at halos walang kurap na tumitig sa lalaki. Hindi niya lubos ma-isip kung bakit dito pa talaga sa lugar na ito siya dinala ng lalaki. Marami silang rest house na puwedeng puntahan at tirhan pansamantala pero nasira yata ang expectation niya. This is beyond her imagination! Kulang na lang ay umusok ang kanyang tainga at ilong dahil sa pagpipigil niya ng kanyang galit.