CELINE POV
It's been five years since I left. Ang daming nagbago pero nandun pa rin ang sakit ng nakaraan.
Kung tatanongin ako kung kamusta ako?
Maraming nagbago sa akin lalo na ang emosyon na dapat kong kontrolin.
Five years, simula ng umalis ako ng pinas para kalimutan ang lahat. Hindi madali dahil iiwan ko ang mga taong nagpakita sa akin ng totoong pagmamahal. Mga taong kahit kailan ay di ako iniwan.
Kamusta na kaya siya? Masaya na ba siya? Marami tanong na namumuo sa isip ko na malapit ko ng sagutin. Napangiti ako ng madaanan namin ang cafe kung saan kami nagkakilala ni Marcus.
Samniel's Cafe
Napawi ang ngiti sa labi ng maalala lahat ng memories namin sa lugar na iyon. Hanggang tingin na lang ako.
Inayos ko ang pagkakaupo dito sa sasakyan. Sinundo ako ng driver namin sa airport dahil ngayung araw ang dating ko dito sa pinas. Marami akong namiss at isa na siya doon.
Five years ago akala ko makakalimutan ko na ang lahat pero hindi, lalo na't nakagawa ito ng malaking sugat sa puso.
Pano ko nga ba nakilala si marcus?
Sa Samniel's cafe kami nagkakilala. kakagratuate ko lang sa college ng mga panahong nakilala ko siya at ganun rin si Marcus. Nagsisimula palang ako bilang guro sa eskuwelahan kung saan ang pamilya ko ang nagmamay-ari. Nagkamabutihan kami ng hindi sinasadyang matabunan ko siya ng coffee ng papunta na ako sa table ko.
Nagmamadali kasi ako 'nun ng makalimutan ko ang wallet ko sa table. kaya minadali ko ang pagpunta doon para makaalis na ako.
Ang kaso hindi sinasadyang nawalan ako ng balanse at saktong sa damit niya natapon ang coffee na hawak ko.
Simula ng araw na iyon. Parati na akong nagpupunta sa cafe dahil na rin sa nagawa ko. Naging malapit kami. Wala naman kaming ginagawa kundi ang magshare tungkol sa buhay namin.
Minsan isang araw nasa labas siya ng bahay namin. Sinabi ko sa kanya ang adress ko. Hindi ko nga akalain na pupuntahan niya ako para lumabas kami.
Alam ko sa mga oras na iyon hindi pagkakaibigan ang tingin ko sa relasyon namin. Tila ba may mas malalim pa doon.
Inimbitahan ako ni Marcus sa condo unit niya. na hindi kalayuan sa bahay namin. Doon may sorpresa palang naghihintay sa akin.
Pagkapasok palang namin sa loob. Inabutan niya ako ng rose bouquet. Kinilig ako.. pano bang hindi, first time mangyare sa buhay ko na may lalaking mag-e-effort para lang makitang masaya ako.
Sa condo mayroong table at chairs na talagang pinaghandaan ang ayos nito at ang mga decoration sa ibabaw ng lamesa. Mga foods na masasarap. May kandila pang nakatirik. Napatawa ako at the same time hindi mapigilang hindi kiligin.
Ganito ba ang pag-ibig? Ang sarap pala sa pakiramdam ng nagmamahal.
Sa kalagitnaan ng dinner naming iyon. inamin niya sa akin na mahal niya na ako at syempre inamin ko na rin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. na mahal ko na rin siya.
At ng gabing iyon naibigay ko ng buo ang sarili ko sa kanya. kahit ang kapalit man nito ang sakit. kung darating man ang araw na iiwan ako ni Marcus. May masabi man lang ako sa sarili ko. lalo na sa kanya. na binigay ko lahat at wala akong tinira sa sarili dahil mahal ko siya.
Tumagal kami ng apat na taon. Dumating kami sa point na nanlalamig na ang relasyon namin. Wala na ang saya dahil parehas kaming naging busy sa mga sarili naming buhay. Gumawa ako ng paraan para bumalik sa dati. na masaya ang relasyon pero sa di ko inaasahang pagkakataon. Nalaman kong may relasyon sila ng pinsan ko sa araw mismo ng kaarawan ko.
At ng araw din na iyon nawala ang baby ko. Nakunan ako, nakakapanghinayang dahil 'yun lang ang pwede kong irason kay marcus. Para maging akin siya habang buhay. Hindi nagsurvive ang baby ko kaya parang namatay na rin ako dahil sa pagkawala niya.
Salamat sa mga magulang ko dahil kahit kailan hindi nila ako iniwan. Lalo na ng madepress ako dahil sa dami ng problema na ako lang ang pwedeng magsulusyon niyon.
Nabalitaan kong kinulong ni Tito damian si elaine sa bahay nila para mawalan na ng connection ang dalawa pero nakahanap ito ng tyempo at sumama kay marcus para makipagtanan.
Nagkulong ako ng isang buwan sa kuwarto ko. Nawala ako sa sarili. Naalala ko ang baby ko na nawala at lalong-lalo na si marcus.
Mom suggest na pumunta ako ng korea at magsimula ng bagong buhay. kahit ayokong iwan ang pinas sinunod ko ang gusto nila.
"Ma'am malapit na po tayo." Dumapo sa harap ang paningin ko ng magsalita ang driver namin.
Inayos ko na ang sarili at napabuntong hininga. I miss them sana kahit isa sa kanila namiss ako. Napapailing na natatawa ako sa sarili.
Nagbukas ang gate at nakapasok na kami sa loob ng mansyon. Lumipat ng bahay ang magulang ko. Simula ng umalis ako sa poder nila.
Bumaba na ako sa sasakyan at sinuri ang buong kabahayan.
Tinungon ko ang front door. Pumasok na ako sa loob at hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga ingay na nanggagaling sa living room I guess.
Napatayo at nanlaki ang mata na napatingin sa akin si Dave na pinsan ko.
Nilingon naman ako ng ilan sa kanila na naguguluhan sa itsura ni dave. Kumaway ako sa kanila ng sunod sunod silang tumayo para pakatitigan akong mabuti.
"Iha you're here na." Masayang pahayag ni mom at nilapitan ako para bigyan ng mainit na yakap at ganun din si dad.
"I miss you anak. mabuti at nakabalik ka na.." naluluha pang sabi ni mom. ningitian ko lang si Mommy at ng balingan ko ng tingin si dave ay nakangisi lang ito sa akin
"So you're finally back.."
Ngumisi ako at inalis ang suot na sunglass.
"Yes, I'm back.." I smirk.