Ellise Nikyle's P. O. V. Ako ang nauunang magmaneho habang si Sir Amiel ay nakasunod sa akin. Madaling araw na at ngayon lamang natapos ang birthday party ko. Dahan-dahan lang akong mag-drive dahil kinakapa ko pa ang kotse ko kung paano gamitin, although marunong naman talaga akong mag-drive. Pagdating namin sa parking lot ng condo. Bumaba na ako sa kotse ko, hinayaan ko nang si Sir Amiel ang mag-park ng kotse ko, hindi pa ako masyadong sanay sa paatras-atras at baka magasgas pa ang bago kong kotse. Habang pinapanood ko si Sir Amiel na i-atras ang kotse ko, napaisip ako. Hindi ko na kailangan sumabay kay Sir, lalo na at may sasakyan na ako. Hindi na niya ako ipagda-drive, si Ma'am Nerrisa na lang ang uupo sa passenger seat ng kotse niya. Napasimangot ako. "Dati gustong-gusto ko ng sa