It has been almost a week since Zack left Paris, and here she is waiting patiently for her plane to arrive in the Philippines. Faith was feeling anxious for some unknown reason, mula kasi noong umalis si Zack ay wala na itong naging paramdam sa kanya, hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka nalaman na nito kung sino ang magiging bago nitong nanay. Lihim na inirapan ni Faith ang sarili, malamang sa hindi nga ay alam na ni Zack, sa loob ng halos isang lingo nito sa Pilipinas ay dapat mas mag taka pa siya kung wala nga itong alam. Marahas na napa buntong hininga si Faith saka sinulyapan ang suot na relo, muli pa siyang napa irap nang makitang ilang oras pa ang bibilangin para siya makarating sa kanyang destinasyon. Tatlong araw lamang sana ang hiningi niya kay Zack, ipinangako niya sa l