Agad napa ngiti si Faith nang sa pag mulat ng mga mata ay ang naka yakap sa kanyang bewang na mga bisig ni Zack kaagad ang kanyang napansin, nasa likod niya ito at alam niyang mahimbing pa rin ang tulog. Mabilis hinanap ng mga mata ni Faith ang orasan saka napa ngiwi nang makitang pasado alas dyes na pala ng umaga. Hindi niya naman masisi na tanghali na at kakagising niya lang at tulog pa si Zack, pareho rin kasi silang puyat dahil mag a-alas quarto na yata ng madaling araw silang umuwi sa bahay nito kanina. Gusto niya sanang mag paiwan na sa tapat ng kanilang bahay at hintayin na lamang na magising ang ina kaya lamang ay hindi pumayag si Zack, sa halip ay nangako itong ihahatid na lamang siya ulit pa uwi. Maingat na umikot ng higa si Faith, dahan-dahan pa ang ginawa niyang pag kilos s