Nakasakay na sa sasakyan si Faith at ewan niya ba at kahit anong pilit niyang patahanin ang sarili ay hindi niya magawa, si Zack at ang batang babaeng kasama nito ay tahimik lamang, tuloy tanging ang mga hikbi niya ang naririnig. Bagamat walang tigil sa pag iyak ay nakuha pa ring irapan ni Faith ang nag mamanehong si Zack nang tapunan siya nito ng tingin. “Uhhh kuya? Is she okay?” May halong pag aalala sa tinig na tanong ng babaeng kasama ni Zack, sa tantsa ni Faith ay nasa kinse pa lamang ang edad nito. “She’s fine Zane, don’t mind her.” Balewalang sagot ni Zack na sa hindi malamang dahilan ay lalo lamang nagpaiyak kay Faith. “Well she doesn’t look okay, kuya. I mean maybe you should talk to your girlfriend?” “She’s not my girlfriend.” Naka simangot at mabilis na sagot ni Zack sa