Tulog pa si Zack nang iwan ito ni Faith, kasalukuyan siyang nag aabang ng taxi na mag hahatid sa kanya sa limelight entertainment, pasado alas sinco pa lamang ng umaga kaya’y wala pang masyadong tao. Halos thirty minutes na siyang nag hihintay ng masasakyan, nag uumpisa nang mangalay ang kanyang mga paa sa pag tayo sa gilid ng kalsada nang mabuhayan siya ng loob ng may isang taxi ang paparating mabilis niya iyong pinara saka napa simangot nang lagpasan siya niyon. Frustrated siyang nag palinga-linga saka tinignan ang suot na orasan, mayroon silang maagang meeting para sa gaganaping fashion show sa lingo, at mayroon na lamang siyang kinsi minutos para makarating sa trabaho ng hindi na li-late. Abala si Faith sa pag tanaw kung mayroon pang mpaparating na tai na maari niyang parahin nang b