Nawala na sa bilang ni Faith kung ilang bote na ba ng alak ang naubos niya at mukhang nawawalan na yata ng filter ang kanyang bibig. Kung ano-ano na rin kasi ang nasasabi niya kay Zack na siyang tangi niyang kainuman. “Aisshh, dinadaya mo ako ano?” Maka ilang ulit na rin yata niya itong pinag bintangan, agad siyang napa nguso nang tawanan lamang siya nito, nakuha pang iangat ang bote ng beer na hawak na tila ba nag aayang makipag cheers. Sandali pang napa irap si Faith bago nahihilo ring dinampot ang isa pang bote ng beer at nakipag cheers sa tawa ng tawa pa ring si Zack. “Aba ang happy mo ah? Tuwang-tuwa kang nadaya mo ako?” “Hoy, hindi kita dinadaya ah? Kasalanan ko bang para kang lasengera’t hustler sa inuman, wala pa nga akong nabubuksan naka dalawa ka na.” Sagot ni Zack bago ak