Faith was laying awkwardly beside Zack, hindi niya makuhang kumilos kahit halos mamanhid na ang kanyang braso sa pagkaka ipit. Sa dami ba naman kasi ng pwestong pwede sa pag higa, kung bakit ba naman patagilid pa paharp rito ang napili niya? At sa dami rin ng unan na naroon sa kanyang kama, bakit ang braso pa nito ang napiling i-offer sa kanya? Katulad niya ay wala ring naging kahit na maliit na pag kilos si Zack, gusto sana ni Faith na silipin ito kung natutulo ba kaya lamang ay nag dadalawang isip siya, paano naman kasi kung hindi? Paano kung katulad niya ay mulat na mulat rin ito at nakikiramdam rin? “Are you okay?” Malakas ang kanyang naging pag singhap nang marinig ang mahinang tinig na tanong na iyon ni Zack, sandali pa siyang natawa sa sitwasyon. The truth is, Faith doesn’t un