Halos mahilo na si Zack sa kanina pang pag irap at pag kunot ng noo sa kapatid na kulang na lamang ay mamilipit sa kilig. Kanina pa siyang ginugulo ni Zane at hindi niya na rin halos maintindihan ang pinapanuod na palabas, pasado alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin ito at hindi siya tinitigilan ng pag tatanong. “Zane, enough with the questions, go to your room and sleep.” Naka simangot na sabi niya rito, lalo pa siyang naka ramdam ng inis nang makuha pa nitong ngumuso ngunit nanatili naman itong tahimik. Marahas na napa buga ng hangin si Zack nang mayamaya pa ay kalabitin nanaman siya nito ng ilang beses. “What?” Zack snapped at his sister who’s now smiling from ear to ear. “Ate Faith was your ex?” Zane asked making him roll his eyes at her. “Just go to bed, Zane!” “C