Chapter 12 “HELLO!” Napahinto si Indira sa pagmamasid sa malamlam na loob ng Supreme Lounge mula sa pinakasulok at madilim na sulok nang may lumapit sa kanyang isang babae. May anim na oras na duty ang nobyo niya sa nasabing night bar. Walang ideya si Hendrikus na naroon siya. An hour ago nakausap pa niya ito sa cellphone at nakapag-good night na sila sa isa’t isa. Hindi raw kasi sigurado si Hendrikus kung gising pa siya pagkatapos ng shift nito at ayaw din naman nitong iniistorbo siya during uncompromising hours. “Oh! You're...” Nasa ere ang kanyang kamay and she was pointing the girl stupidly. Hindi siya maaaring magkamali. Ito iyong babaeng binastos ni Todd sa Damarcus Palace. “Jamaica, ma'am. Jam for short.” The girl introduced herself reverently together with a wink. Kapar