CHAPTER 51 CATHY's POV: MAAYOS na ulit kami ni Drake. Nagawa ko siyang lambingin kagabi sa pamamagitan nang paghihilot ko sa kanya. Hindi pa nga ito nakontento dahil nagawa niyang lagyan pa ako ng chikinini sa magkabilang parte ng leeg ko. Hindi na rin naman ako tumanggi pa lalo na kung ito ang magpapahupa ng kanyang selos. I've realized na meron nga akong pagkakamali. Masyado akong nagpadalos-dalos sa yakap at hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng nobyo ko. Kaya doon pa lang ay meron ng 'guilt' sa aking puso. AT NGAYON, magkatabi na kaming nakahiga ng binata. Malalim na rin ang gabi kaya medyo malamig na ang panahon kapag ganitong oras, kahit na nasa loob ka ng bahay. Habang nasa loob kami ng kwarto ay ramdam ko ang pagkayakap ni Drake sa akin na para bang ayaw na ayaw niya