CHAPTER 14 CATHY's POV: BWISIT akong napahiga muli sa kama matapos laitin ni Sir Drake ang buong pagkatao ko. Ang bilis pa namang uminit ang ulo ko ngayon. Makarinig lang ako ng mga salitang hindi kaaya-aya sa aking tenga ay halos kumulo na ang aking dugo at gusto kong manakit ng tao. Pero dahil boss ko si Sir Drake, pinili kong kontrolin ang aking galit at pakalmahin ang sarili ko, dahil alam ko na ako rin ang malalagay sa alanganin. Kaya heto ako ngayon, pinili kong humiga muli at magpahinga. Kinumutan ko ang aking katawan at tinakpan ko na rin ng unan ang aking mukha at tenga para hindi ko na marinig pa ang mga boses nila. Nagpapahinga kasi ang tao, tapos ang iingay nila. Pana'y sila awayan at bangayan na dalawa, kaya ako naman itong si assumera, nag-assume kaagad na baka may