CHAPTER 54 DOC. AIDEN (RICHARD's POV) HINDI ko pa rin mapigilan ang damdamin ko kay Cathy. Kahit anong pilit ko na tanggapin ang tungkol sa relasyon nila ni Drake ay parang pinipiga pa rin ako lalo na't nakikita ko kung gaano niya kamahal ang binata. Halos binalot ng selos at inggit ang puso ko habang sinusulyapan ko ang dalawa sa parada. Napilit lang ako ni mama na sumali sa pa-liga ng basketball dahil baka raw maging daan ito upang mabaling muli sa akin ang pansin ni Cathy. Kaso sadyang mautak si Drake dahil hinaharangan niya ang babae kaya hindi ko magawang makalapit sa dalaga. Kaya nang magsimula ang mismong laro ng basketball ay nagawa kong magbitaw ng salita na may panghahamon sa binata. Sinabi ko talaga ito sa kanya para malaman ko kung hanggang saan ang kaya niyang gawin kay