CHAPTER 31 (PAGBABALIK NI ARYANA) ARYANA's POV: "DRAKE... DRAKE!" Habol na sigaw ko sa aking ex-boyfriend nang lumabas siya ng coffee shop. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya dahil ayokong sayangin ang pagkakataon na ito para sa aming dalawa. Ngayon lang ulit kami nagkita kaya sayang naman kung hahayaan kong makawala ang binata. "Drake, hindi pa tayo tapos mag-usap... Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa bahay ko... Kung ano man ang namamagitan sa atin noon, fine. Kalimutan na natin 'yon... Pero nakikiusap ako na huwag naman sana madamay yung bahay dito. Labas na 'yon sa kung ano man ang naging usapan natin kanina Drake... Besides, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko na Architect na makakatulong sa akin para mapaganda ang dream house na gusto ko. So please, ibalato mo na