CHAPTER 16 DRAKE's POV: KITANG-KITA ko ang malagkit na titig ni Aiden sa dalagang si Cathy. Ito ang siyang naabutan ko nang lumabas ako ng bahay para hanapin ang babae. Hindi ko kasi nahagilap ito sa mismong silid kaya naisip ko na baka dito mismo sa labas ko siya matatagpuan. At hindi nga ako nagkamali, dahil narito nga ang personal assistant ko sa labas at hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Doc. Aiden na kulang na lang ay higupin na ang kanyang labi ng binatang ito. Hindi ko gusto ang tingin niya kay Cathy. Pakiramdam ko ay natitipuhan niya ang babaeng kasama ko. Halata ko ito sa mga kilos ni Aiden, lalo na nung hawakan niya ang kamay ni Cathy na para bang may sinasabi siyang matatamis na salita sa dalaga. Daig pa nila ang nasa pelikula dahil sa kanilang tagpo ngayon. Kung kaya nama