Continuation of CHAPTER 21 CATHY's POV: TUMILA na sana ang ulan, pero hindi na yata kami makakahanap pa ng masasakyan dahil gabi na. Kaya naman kahit gustuhin naming umuwi ni sir Drake ay delikado na ang daan. Hindi pa naman kami taga rito kaya baka mahirapan lang kami ng lalaki. Matapos ang aming pagsasalo sa hapag-kainan ay napagdesisyunan ko munang lumabas para naman mapag-isipan ko ang sinabi ni Ale kanina. I don't want to be negative. Pero may point din naman ang matanda. Dapat ay handa lagi ako dahil mabilis akong masaktan. At base sa aking naobserbahan kay Drake ay alam kong may pagmamahal pa rin siya sa kanyang ex-girlfriend dahil bigla siyang tumahimik at hindi na rin nakaimik pa na animo'y natamaan siya sa sinabi ni Ale. Masyado nga yatang padalos-dalos ang mga aksyon ko