CHAPTER 34 ARYANA's POV: LASING na lasing si sir Drake nang ihatid siya ni Aryana rito sa mansion. Kaya bilang yaya ng binata ay trabaho kong asikasuhin ito sa pamamagitan nang pagpupunas ko sa mukha niya ng bimpo na may tubig para kahit papaano ay maging mahimbing ang tulog niya. Kahit naman tinatamaan ako ng selos ay hindi ko kayang tiisin na ganito ang postura ng binata. Gusto ko na si sir Drake, kaya lang bilang babae, iniingatan ko lang ang puso ko na huwag masaktan. Ayoko munang pumasok sa isang relasyon na hindi naman sigurado ang isang lalaki. Habang pinupunasan ko ang buong mukha ni sir Drake ay hindi ko mapigilan na pagmasdan ang kanyang labi. Nakatuon lang dito ang mata ko samantalang ang mga kamay ko ay naglalakbay patungo sa kanyang leeg. Halos gusto ko kasing punasan a