CONTINUATION OF CHAPTER 11 CATHY's POV: "Just sit here beside me, Cathy... Ayoko nang makipag-usap ka pa sa ibang lalaki. Tandaan mo na siniswelduhan kita para maging katulong ko, hindi para makipagchismisan sa kliyente ko. Naiintindihan mo ba 'yon?" malamig na saad ni Sir Drake na may kadiinan din sa kanyang pananalita. Matapos niya akong hilahin papunta sa kanyang pwesto ay kumuha siya ng isang upuan na siyang uupuan ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ang pinaglihi ni Ma'am sa anak niyang si Sir Drake. Iba-iba ang mood. Pero napapadalas ang pagiging magalitin niya. May lahi siguro ang hayop na 'to sa pagiging angry bird. Ito kasing si Doc. Aiden, bigla ba naman akong yayain ng coffee date. Masyadong malakas yung pagkakasabi niya kaya narinig ito ng boss ko. Pinag-isipan tu