CHAPTER 28 DRAKE's POV: "f**k DRAKE, bakit gano'n ang sinabi mo?!" paninisi ko sa aking sarili after Cathy walk out. Tila nabaliktad yata ang sitwasyon. Kung kanina ay ako ang umalis, ngayon naman ay siya na. Umalis siya sa harapan ko at lumabas ng hotel na hindi man lang ako nilingon. Kahit anong tawag ang gawin ko ay tuloy-tuloy lang siya sa paglabas na animo'y nag-uumapaw ang galit nito sa akin. Siguro nga ay nasaktan ko siya sa mga sinabi ko dahil masyado akong nagpadalos-dalos at pinairal ko itong init ng aking katawan. Pero hindi naman talaga 'yon ang nais kong ipunto. Sadyang nadulas lang ako at hindi ko na naisip pa ang mha salitang binigkas ko. Dahil tuloy do'n ay tuluyan na akong tinalikuran ni Cathy at wala akong ibang inisip ngayon kundi ang sisihin ang p*********i ko kasa