"Grandmaster Tier Red Eye Wolf"
Agad na sumugod sa akin ang summoned beast ni Liam, pansin ko ding tumakbo si Liam sa aking blind spot. Seguro kong ang kalaban niya ay yung walang alam na Sol seguradong matatalo ako.
Ganon paman gamit ang perception ko na halos hindi na normal ay nakikita ko ang bawat galaw nito.
Malaki at definitely mabilis ang Red Eye Wolf na summoned beast ni Liam habang may kontrol ito sa elemento ng apoy.
Nabalot ng orange flames ang buo nitong katawan at sumugod sa akin na walang dalawang pag-iisip.
Ang dating ako seguradong tatakbo na sa mga oras na iyon ganon paman hindi na ako ang dating ako!
"Golden Black Lightning, Thunder Punch!"
Buong lakas kong hinarap ang summoned beast ni Liam gamit ang kanang kamay ko na nababalot ng golden black lightning.
"c***k!!!"
"BOOOM!"
Ramdam ko na komonekta sa ulo ng summoned beast ang suntok ko habang napatilapon ito. Sunod ay agad akong nag sidestep sa kaliwa para iwasan ang dagger ni Liam.
"Oh malakas ka nga, hindi na kataka-taka ganon paman kulang padin" Sabi ni Liam habang napansin kong agad na tumayo ang Red Eye Wolf at muli ay nabalot ito ng apoy.
Mukhang matibay ang bungo ng summoned beast nito.
"Bakit hindi mo ilabas ang isa mo pang summoned beast para naman maging interesting ang laban" Sabi ko dito habang crinacrack ang aking dalawang kamay na agad na nabalot ng Golden Black Lightning.
"Hindi ko alam na may yabang ka din pala" Sabi nito at isang Summoning Spell ang nabuo sa harap nito at lumabas ang isang berdeng spider.
"Master Tier Green Viper Spider"
"Mag enjoy ka sana" Sabi ni Liam habang agad na tumalon ng malayo ang Green Viper Spider patungo sa pinakadulo ng arena at nagpakawala ito ng mga maliliit na spider!
'Isang normal type beast ngunit may kakaibang reproductive' Sabi ko sa aking isipan ng makita ito ganon paman alam kong kailangan kong mag ingat sa summoned beast na ito dahil lubha itong poisonous!
"Roar!"
"Tik tik"
Muli ay sumugod sa akin ang Red Eye Wolf habang kasunod naman nito ang maliliit na Green Viper Spider. Umilag ako sa tabi ng Red Eye Wolf ng makalapit ito sa akin at sinuntok ito sa kanyang tiyan!
"Golden Black Lightning: Final Punch!"
Hindi katulad ng una kong spell ang suntok ko ngayon ay parang isang b***l na walang awang bumutas sa tiyan ng Red Eye Wolf habang akin naman inipon ang Golden Black Lightning energy sa aking kamay at pinasabog ito mula sa loob!
"Plack!"
"Splash!"
Sa isang iglap ang buong arena ay umulan ng dugo! Habang hindi pa ako tapos dahil nakalapit na sa aking kinalalagyan ang mga maliliit na Green Viper Spider.
"Golden Black Lightning, Lightning Sky Punch!" Sa oras na i-active ko ang spell na ito mabilis na nabalot ng mga itim na ulap ang kalangitan at mula dito ay makikita ang mga tela ay mga kamaong gawa sa lightnings!
"Decent!" Sigaw ko at umulan ng mga kamao na gawa sa lightning, ang buong arena ay agad na naging isang electrical field habang makikita namang nangingisay ang mga Green Viper Spider maging ang mother ng mga ito ay ganon din ang sinapit.
Tiningnan ko naman si Liam na sa mga oras na iyon ay puno ng mga electric burn marks habang segurado akong hindi lamang sa labas ng kanyang katawan ang natamo nitong sugat.
"Sa totoo lang wala akong ayaw sa mundong ito, maliban lamang sa Magi Clan. Malas mo at miyembro ka ng Clan na yun" Sabi ko dito at agad akong umalis sa arena
****
Ruthless! Ito ang nasa-isip ng lahat ng makita nila ang kakatapos lamang na laban.
Hindi lubos na akalain ng mga estudyante at ibang nanunuod sa lugar na ang magiging laban ay magiging isang one sided battle. Habang ang isa ay seguradong hindi na magiging katulad ng dati.
Dalawang summoned beast ni Liam ang namatay sa laban dahil dito isang backlash magic ang natanggap nito dahilan para mawasak ang kanyang cultivation base!
Seguradong hindi na makakabalik pa sa kanyang peak si Liam. Ganon paman nalaman ng lahat na si Sol Magi ang dating tinitingnan ng lahat na inabandona ng Magi Clan ay ganito kalakas at ka brutal.
Dahil sa labang ito madaming mga estudyante ang agad na nagbago ang tingin kay Sol, walang awa si Sol sa kanyang kalaban at ang uri ng pakikipaglaban nito ay masasabing bago sa mata ng lahat.
Isang close combat mage! Sabayan pa ng Golden Black Lightning nito na parang kayang wasakin ang lahat ay seguradong mag dadalawang isip ang sino mang gustong lumaban sa kanya.
Sa araw na iyon kinatakotan si Sol at nakuha nito ang nickname na "Devil"
***
Dalawang araw ang lumipas mula noong labang naganap sa arena ng unibersidad. Naging malaking impact para sa lahat ng mga estudyante ang laban na ito.
After all dalawang freshmen ang tumalo sa dalawang upper seniors at nakapasok sa top 10 ng leaderboard.
Madaming nagsasabing hindi magtatagal ang current ranking ng leaderboard dahil halos ang top 6 hangang 10 ay kaunti lamang ang pagkakaiba sa kapangyarihan.
Ganon paman lumipas na ang dalawang araw at mukhang walang planong i-challenge ni Mizuki at Sol ang leaderboard.
Ngunit dahil sa ginawa ng dalawa madami sa mga freshmen maging 2nd year seniors ang aktibong chumachallange sa leaderboard.
Ang dating tahimik at halos walang galawang leaderboard ay mabilis na nagbabago. Naglalabasan ang mga estudyanteng may mga potensyal habang hindi naman alam ng mga current leaderboard rankers kong anong gagawin.
Katulad nang nangyari sa rank 20 na hinamon ng isa, hinamon kinabukasan at hinamon ulit sa susunod na araw. Wala itong oras para magpahinga at magpagaling ng mga natamong sugat sa dalawang araw kaya naman sa pangatlong araw ay natalo ito.
Ganon paman sa labang ito mapapansin ang isang babae na akala ng lahat ay isa lamang 'support' sa lahat ng bagay.
Kilala ito ng lahat dahil close ito sa Devil at Lightning Goddess, ito ay si Angela ang freshmen na isang White Mage.
Sa buong Blue Eagle University masasabing nasa anim lamang ang White Mages at bawat isa sa mga ito ay hindi makikita sa ranking ng leaderboard. Alam ng lahat na ang kaya lamang gawin ng isang White Mage ay mag heal.
Ganon paman isa itong malaking pagkakamali.
Sa arena ang ngayong kalaban ni Angela ay nababalot ng iba't ibang liwanag habang hirap na hirap itong gumalaw sa kanyang kinalalagyan.
"Slow Speed Spell"
"Heavy Body Spell"
"Reaction Time Speed Fall Spell"
"Sa iyo ko unang nagamit ang aking debuffs spell" Sabi ni Angela habang nabalot din ng liwanag ang sarili nitong katawan.
"Absolute Strength Spell"
"Absolute Speed Spell"
"Lightweight Body Spell"
Hindi alam ng mga estudyanteng nanunood sa lugar kong anong nangyari ganon paman nakita nalamang nilang biglang bumilis si Angela at binuhat ang hindi makagalaw nitong kalaban at tinapon sa labas ng arena!
"I won" Nakangiting sabi ni Angela
90
78
56
35
20
18
15
Sa isang iglap isang linggo ang lumipas at nagawang makapasok ni Angela sa Rank 15 ng leaderboard! Habang alam na ng lahat ang tungkol sa kakaibang kakayahan nito na kayang mapagalin ang kalaban.
Debuff at buff effects. Hindi nila lubos akalain na may ganitong kakayahan si Angela!
Dahil dito madaming gustong makipagkaibigan kay Angela. Alam nila ang worth ng mga spells na ito lalo na sa group battle o kapag nasa danger zone.
"Sorry busy ako" Ito lamang ang tugon nito sa mga umaaya sa kanya. Alam niyang ganito lamang ang mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang kakayahan. Pero alam niyang wala siya nito ng kakayahang ito kong hindi ito itinuro ng maliit na itim na black turtle at white snake.
That's right ang nagturo kay Angela ng Buffs at Debuffs spell ay si Yin at Yang ang Absolute Support Master.
***
"Invitation?" Tanong ko ng makita ko ang invitation letter sa kamay ni Angela.
Kinuha naman ito ni Mizuki at binuksan.
"Top Mage Rankers Meeting" ito ang nakalagay sa loob ng invitation letter habang binasa ito ni Mizuki
"The current #1 ng leaderboard ay ini-invite tayo sa isang meeting. Lahat ng kasali dito ay mga rankers na nasa top 10 habang nandito din ang pangalan ni Angela" Sabi ni Mizuki habang pinagtaka ko naman ito.
"Meeting?" Tanong ko dito.
"Ayon sa letter may grupong tinatawag na Blue Eagle Group ito ay grupong binuo noong unang araw nang pagkakagawa ng Blue Eagle University."
"Binubuo ang Blue Eagle Group ng current top 10 sa ranking ng leaderboard kaya naman masasabing miyembro na tayo nito." Tugon ni Mizuki
"Interesting ganon paman bakit invited din si Angela?" Tanong ko habang napa-iling lamang si Mizuki dito dahil wala sa papel ang sagot.
"Ganon paman pupunta tayo. Let's see malay niyo may kakaibang mangyari sa meeting na ito at gusto kong makita sa personal ang current top rankers ng leaderboard."