Chapter 1: Family Legacy

1392 Words
Chapter 1: Family Legacy Sa wakas dumating na rin ang araw na pinaka-hinihintay ko. Ang araw kung saan ay matatanggap ko na ang Family Legacy ng aming pamilya. 18 years ang hinintay ko para lamang sa araw na ito! Sa likuran ng luma naming bahay ay makikita ang isang lumang templo. Sa harap ng templo ay masasaksihan ang isang malaking marka na gawa sa dugo ng hayop. "Handa ka naba?". Tanong sa akin ng misteryosong matanda habang nakatingin sa akin. Sa totoo lang hindi ko kilala ang misteryosong matanda na ito, maliban lamang sa ito ang namamahala ng lumang templo ng aming pamilya. Agad akong tumango sa misteryosong matanda at nagtungo sa gitna ng malaking marka na gawa sa dugo ng hayop. Habang pumwesto naman ang misteryosong matanda sa aking harapan. "Magsisimula na ako". Sabi ng misteryosong matanda. Sa oras na iyon hindi ko alam kong paano pero biglang may liwanag ang nabuo sa kamay ng misteryosong matanda. Kasunod din nito ay ang pagliwanag ng malaking marka na gawa sa dugo ng hayop! "Hayaan mong pumasok sa iyong katawan ang enerhiya at hayaan mo itong dumaloy na parang iyong tunay na dugo". Sabi ng misteryosong matanda habang agad kong naramdaman ang kakaibang enerhiya na pumapasok sa aking katawan. Nagmumula sa malaking marka na gawa sa dugo ng hayop ang enerhiya na pumapasok sa aking katawan. *c***k!* Hindi ko alam kong bakit pero isang c***k ang aking narinig sa kaloob-looban ng aking katawan at kasunod nito ay ang tuloyang pagkabasag ng isang bagay sa loob ng aking katawan. Dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay. Gayunpaman bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang mga huling salita ng misteryosong matanda sa akin. "Mag-ingat ka sa kabilang mundo". Sabi nito at tuloyan akong nawalan ng malay. ***** "Young master! Gumising ka!". "Young master! Gumising ka mapapatay ako ng iyong ina kapag hindi ka nagising! Bakit kasi naisipan mo pang magtungo dito sa bundok!". Hindi ko alam kung bakit pero parang may tumatawag sa akin mula sa aking pagkakatulog. "Young master! Gumising ka!". Sa oras na iyon ay hindi ko na napigilan at tumayo ako mula sa aking pagkakatulog. Ngunit bago pa man ako makabangon ay isang memorya ang mabilis na pumasok sa aking utak. "Agh!". Agad akong napahawak sa aking ulo dahil sa memoryang bigla-bigla na lamang lumitaw sa aking utak. "Young master! Ok kalang ba? Masakit ba ang ulo mo?". Tanong sa akin ng tinig na merong pagka-concerned. Ganon pa man ay hindi ko ito pinansin dahil sa mga oras na iyon ay agad kong naunawaan ang aking sitwasyon! Transmigration! Ito ang sitwasyon ko ngayon! Shit! Kong ganon ang Family Legacy ng aming pamilya ay isang transmigration! Pero hindi ko na muna ito inisip dahil sa sakit na aking nararamdaman right now. "Darvin ibalik mo ako sa Clan". Sabi ko sa lalaking kanina pa salita nang salita habang agad naman itong tumango sa akin at walang kahirap-hirap ako nitong nabuhat na parang isang papel. Darvin ang pangalan nito, isa sa mga taohan ng aking ina. Hindi ko alam kong malapit lamang ang kanina kong kinalalagyan pero wala pang 15 minutes ay nasa harap na kami ng Magi Clan. "Buksan niyo ang tarangkahan!". Sigaw ni Darvin habang agad namang nag bukas ang isang maliit na tarangkahan sa tabi. "Young master!". "Young master!". "Young master!". Agad na sabi ng mga nakabantay sa tarangkahan habang hindi ko naman pinansin ang mga ito at tumingin lamang kay Darvin. "Dalhin mo ako sa aking courtyard" Sabi ko kay Darvin na agad namang sumunod sa akin. Malawak ang Magi Clan at mula sa tarangkahan ng lugar ay aabutin ng limang minutong lakaran makarating lang sa aking lugar. Ngunit sa tulong na din ni Darvin kahit malawak ang lugar ay walang kahirap-hirap akong nakabalik sa aking courtyard. "Kailangan kong magpahinga". Sabi ko kay Darvin habang agad naman itong tumango at umalis sa aking harapan. Sa oras na mapag-isa ako ay unti-unti nading nawala ang sakit sa aking ulo at naging klaro ang memorya na pumasok sa aking isipan. Tinatawag akong Sol Magi sa mundong ito, nag iisang anak ng dating Clan Master ng Magi Clan. Hindi katulad sa una kong mundo ay magiging 18 years old palamang ako sa mundong ito at mangyayari na ito mamayang hating gabi mismo. Oh! mukhang madaming sikretong tinatago ang dating Sol Magi at madami din itong problema. Pero ngayong ako na ang may hawak sa katawang ito at bilang respeto sa dating Sol Magi ay gagawan ko ng paraan ang lahat ng kanyang problema na ngayon ay problema ko na. Ayon sa memorya ng dating may-ari ng katawan na ito, isang magical world ang mundong ito. Ngunit meron padin itong pagkakaparehas sa dati kong mundo maliban lamang sa tinatawag na 'magic'. Ang mundong ito ay tinatawag pading Earth pero hindi katulad ng dati kong mundo, ang mundong ito ay nababalot ng araw-araw na digmaan. Digmaang laban sa mga 'invaders' ng mundo na tinatawag na Dimensionsal Beast. Mas malawak at mahaba ang history ng mundong ito ganoon pa man ang mga bansa at lugar ng dati kong mundo ay ganoon padin walang nagbago. Maliban lamang sa ibang mga detalye. Magi Clan, isa sa mga kilalang Mage Clan ng bansang Pilipinas at sikat ang mga miyembro ng pamilya sa paggamit ng Summoning Magic. Interesting! Ngayon ay alam ko na kong anong problema ng dating may-ari ng katawang ito. Sol Magi ang kaisa-isang anak ng dating Clan Master ng Magi Clan ay hindi padin nabubuksan ang kanyang sariling Summoning Magic. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Ako na ang may hawak ng katawang ito! ***** "Anak sigurado kabang ok ka lang?". Tanong sa akin ng 30 years old na maganda babae na nasa aking harapan. "Mom ok lang ako at may supresa ako sayo mamaya". Sabi ko dito habang makikita ang ngiti sa aking labi. "Basta't ok ka lang anak". Sabi nito habang agad ko itong yinakap, sa totoo lang malaki ang dalang problema ng dating Sol Magi sa lahat ng nakapaligid sa kanya lalo na sa kanyang ina dahil na din siya ang taga-pagmana ng pwesto ng Magi Clan. Ganoon paman dahil sa walang Summoning magic ang dating Sol Magi ay hindi niya makukuha ang puwesto. Dahilan para mapunta sa uncle ni Sol ang puwesto ng bagong Magi Clan Master. Buti na lang at kahit walang Summoning Magic si Sol ay nakuha niya padin ang magic ng kanyang ina. Ang Lightning Magic! Dahil dito kahit papaano ay walang nagtatangkang mang maliit kay Sol ng harapan. Pero alam ng lahat hindi lang sa loob ng Magi Clan maging sa buong bansa na isang malaking kahihiyan si Sol sa buong Magi Clan at sa pumanaw nitong ama. Ngunit alam kong magbabago na ito ngayong gabi. Sa totoo lang walang problema ang dating Sol. Dahil ang sinasabing Summoning Magic ay actually nakatago sa kaloob-looban ni Sol. Pero ang dating Sol ay mahina ang Soul constitution kaya hindi nito kayang tawagin ang kapangyarihan ng Summoning Magic. Kahihiyan? Malaking pagkakamali! Isang genius si Soul dahil may dalawa itong Elemental Magic! Ito ay ang Summoning at Lightning Magic! Ganoon pa man ang naging balakid sa dating Sol ay ang mahina nitong Soul constitution. Ngunit sisiguradohin kong mag iiba ito mamayang gabi! 11:55 PM, limang minuto bago mag bagong araw. Ibig sabihin ay ang araw ng aking kaarawan. Sa oras na iyon ay madaming tao ang makikita sa malaking event hall ng Magi Clan, mula ang mga ito sa mga kilalang pamilya, organisasyon at sa pamahalaan. Nandito ang lahat ng mga ito hindi para i-congratulate si Sol sa kanyang kaarawan. Nandito sila syempre para masaksihan ng lahat ang kahihiyan ng Magi Clan, si Sol mismo. Mula sa nakahandang stage sa harapan ng event hall. "Maraming salamat sa pag punta sa kaarawan ng aking nag iisang anak at maraming salamat sa Magi Clan para sa suportang binibigay sa aking anak". Sabi ng aking ina sa harapan ng mga bisita at ng aming Clan. Mula dito ay kanya akong tinawag. Agad naman akong nagtungo sa nakahandang stage sa harapan at doon ay kinuha ko ang microphone sa kamay ng aking ina. "Para sa aking kaarawan ay inaanyayahan ko ang lahat ng mga young master o kahit na sinong ka edad ko sa isang duel at ito ang magiging highlight ng gabing ito". Nakangiti kong sabi. Sa oras naman na sabihin ko ito ay agad na makikita ang gulat, pagtataka at syempre tuwa sa mukha ng mga tao na nasa lugar. Hindi seguro nila lubos maisip na gagawin ko ang ganitong klase ng bagay. Agad namang lumapit sa akin ang aking ina pero bago pa ito makapagsalita ay pinigilan ko na ito. "Don't worry mom, I got this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD