Chapter 29

1137 Words

Chapter 29 Samantha Bwiset. Bwiset. Bwiset talaga! Ang sumpunging Gian Lee na ‘yon! Ang sarap niyang sampigahin ng sampung beses para magtino! Ang sarap niyang ibalibag para magtanda! Akala mo batang inagawan ng candy kung makapagmarakulyo at magmaktol! Nakakainis talaga! Unggoy siya! Bakulaw! Topakin! Isip bata! Impakto! Ay teka parang ang gwapo naman yata niyang impakto? Tsk. Pero parang sa impakto naman talaga ang ugali niya, eh. At least ako kaibigan ko si Charles kaya ko kasama. Pero ang Gian na ‘yan? Siya naman talaga itong malandi. Bakit kasama niya ang harot na babaeng ‘yon? Hindi lang ako nakapagparamdam sandali may nahagip na kaagad siyang iba? Paano naman kaya ako maniniwala sa mga pinagsasabi niyang gusto niya talaga ako? Kung ang katapat lang naman pala niya ay isang babaen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD