Chapter 32 "So init naman here! Gosh!" napalingon kami nang marinig ang boses na iyon ni Charlot habang abala kami sa pangangampanya. Siyempre pamangkin siya ni Tito Dante na katandem ni Papa sa pagkavice Governor kaya kasama siya. Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko siya lalo na noong napansin kong para siyang nandidiri sa mga taong makipagkamay. "Hoy ikaw!" tampal ko sa braso niya. "What ba? Bakit ka ba nanghahampas? It hurts kaya!" maarteng bulyaw niya at umirap pa. "Really? Hoy kung mag-iinarte ka lang dito lumayas ka na! Nakakasira ka lang, eh!" pasimpleng talak ko. Nakakapanggigil talaga siya, eh. Kung si Gian nga pinapatulan ko siya pa kaya? Ingudngod ko kaya siya sa tae ng kalabaw para matigil ang kaartehan niya? "Eh, bakit? So hot naman talaga in here, ah?" katwiran pa niy