Chapter 3 - Frustration

2113 Words
ISANG malakas na tunog ang namutawi sa buong kabahayan at ang nagpagulat sa kanilang lahat. “Iyan na lang lagi ang inaatupag mo! I always tell you to focus on our company and not on that stupid thing!” malakas na sigaw ng ama ni Nicholas sa loob ng kan’yang kwarto. Marahan lang na inilapag ni Nicholas ang gitarang hawak niya at tumingin sa amang namumula na sa galit sa kan’ya. “Pa, the stupid thing you are calling is from my mother!” madiing sagot naman ni Nicholas sa ama. Marahan siyang tumayo at tinignan ito. “You want me to focus on our company? I will! Just stop doing lame and stupid things!” usal niya dito. Agad naman na nanlaki ang mata ng kan’yang ama at nanlilisik ang matang tumingin sa kan’ya. “Wala kang galang! Para sabihin ko sa iyo, Nicholas! Matagal na akong humahawak ng kumpanyang iyan at ako ang nagpalago ng mamanahin mo!” sigaw sa kan’ya nito na ikinatawa lang naman niya. Umiling iling ito bago muling tumingin sa ama na mukhang nainsulto sa ginagawa niya. “Ikaw nga ang nagpalago pero dahil naman iyon sa pang-aapak mo sa ibang tao– katulad ng gusto mong gawin, you want to take a risk in establishing a hotel? And what? You want to compete against Monticlaro?!” malakas na pahayag niya sa ama. Narinig niya itong nagmura ng mahina bago siya nito sinagot. “Yes! Bukod doon, unti-unti na silang bumabagsak! Bakit kailangan pa nating makipagkumpetensya sa kanila?! Kilala na ang mga Ferrer at kung babagsak man ang mga Monticlaro ay kasalanan na nila iyon,” panayam ng kan’yang ama. Nakaramdam naman siya ng pagkadismaya sa tinuran ng kan’yang ama. Parang hindi na ito ang ama niya na kahit paano ay nakikinig kapag may sinasabi siya. “Pa! They are already competing with themselves! Wag na nating dagdagan iyon! Miguel, having a lot of trouble fixing his family's faults. We should help each other not competing, especially us na hindi naman kasama ang hotel sa line ng business natin,” paliwanag ni Nicholas sa ama. Hindi niya rin talaga maintindihan ang punto ng kan’yang ama na kung bakit ito pilit na tumataya sa pagtatayo ng hotel na ngayon lang nila papasukin. Bukod doon sa isip isip ni Nicholas ay marami na ang nagkakaroon ng ideya patungkol sa pagtatayo ng hotel dahil sa napapabalitang unti unting pagkabagsak ng mga Monticlaro. “Kaya nga papasukin natin para tayo na ang pumalit sa line ng business nila!” malakas na turan ng kan’yang ama na ikinailing lang niya. “Then I’m filing my resignation today. I don’t want to work at your company anymore–” “NICHOLAS!” malakas na sigaw ng kan’yang ama sa pangalan niya na nagpatigil sa kan’ya. “You really want to test my patience on you?! Dahil lang dito kakalimutan mo na na ikaw ang magmamana ng kumpanya?!” “I don’t want to be in a company who only wants the downfall of others! Gusto ko sa kumpanyang lumalaban ng patas at hindi nanlalamang ng kapwa!” matigas na pahayag ni Nicholas sa kan’yang ama. RINIG NA RINIG ang sigawan ng mag-ama sa ibabang bahagi kung saan nandoon sila Denise na naglilinis ng sala. Ayaw man nila maging marinig ang pag-uusap at pagtatalo ng kanilang mga amo ay wala silang magawa dahil hindi pwedeng hindi sila maglinis– mahigpit na bilin ng senyora ng bahay na dapat wala itong makikita na kahit anong alikabok. “Simula talaga ng mapunta si senyorito sa kumpanya at malaman ang mga ginagawa ni senyor– lagi na lang silang nagtatalo dahil ayaw ni senyorito ang pamamaraan ni senyor,” usal ni Belen na siyang kasama ni Denise na naglilinis ng mga marmol na vase sa isang parte ng bahay kung nasaan ang litrato ng senyor at senyora kasama ang mga anak nito pati na si senyorito. “Alam ninyo ba? Kaya din nag-aaway noon ang ina ni senyorito at si senyor ay dahil din diyan– ayaw din ng yumaong senyora ang pamamaraan ni senyor,” usal naman ni Manang Salve na sa tingin nila ay matagal na ito sa mansyon. Wala namang ibinigay na reaksyon si Denise sa tinuran ng dalawang kasamahan at tumingin na lamang sa taas na palapag bago tumitig sa litrato na nasa harapan niya. Agad niyang tinignan ang kanilang senyorito na tipid lang na nakangiti habang ang lahat ay malawak ang ngiti at halatang masaya sa nangyari ng araw na iyon. Ilang linggo na rin ang limupas nang nakaroon sila ng pag-uusap ng kan’yang senyorito, matapos ng gabing iyon ay hindi na muling naulit pa dahil palagi na iyong wala o kung minsan naman ay nasa paligid nito ang kapatid na babae na si Senyorita Monica. Hindi na rin naman siya nagtangkang kausapin pa ang senyorito dahil inilalayo na niya ang sarili dito dahil sa kakaibang pakiramdam na kan’yang nararamdaman. Habang nakatingin siya doon ay agad na napabalik ang tingin niya sa ginagawa nang makarinig siya ng mabibigat na hakbang na nagmumula sa itaas na palapag ng mansyon kasunod ng mabibigat na hakbang ay ang malakas na sigaw ng senyor sa pangalan ng senyorito. “Nicholas! You get back here now!” rinig nilang malakas na sigaw ng senyor. Tuloy-tuloy lang naman ang mabibigat na hakbang ang naririnig nila. Lakas loob na naglingon ng tingin si Denise dahilan para magtama ang paningin nila ni Nicholas na muli sa ikalawang pagkakataon nakita niya na seryoso ito at iba ang aura na inilalabas. “Nicholas!” muling sigaw ng senyor kaya naman agad na inialis ni Denise ang tingin niya sa senyorito at muling kunwari ay nagpunas ng kagamitan doon. Isang malakas na kalabog ang namutawi nang tuluyang makalabas ang senyorito tanda na ito ay lumabas at pabagsak na isinara ang malaking pinto. “REALMENTE terco! ¡Una herencia de su madre! [Napakatigas talaga ng ulo! Manang mana sa kan'yang ina!]” galit na turan ni Senyor Niccolo sa harapan ng pangalawang asawa niya. Hindi pa rin niya lubos maisip na hindi susunod si Nicholas sa kan’ya dahil lamang sa mga nalaman nito. Buong akala niya ay kapag nasabi na niya ang mga plano niya sa kumpanya ay susuportahan siya nito ngunit taliwas iyon sa naging reaksyon ng kan’yang anak. “Sinabi ko naman sa iyo, dapat turuan ng leksyon ang anak mo na iyan! Lagi na lang siyang sakit sa ulo mo!” usal ng kan’yang asawa na umiinom lamang ng tsaa sa kan’yang tabi. “At sinabi ko na rin sa iyo, bakit kay Nicholas mo iniaasa ang mga gawain na iyan? Bakit hindi na lang kay Gael o kay Monica, hindi pa sasakit ang ulo mo dahil–” “Si Nicholas ang mas maraming kaalaman sa mga ganitong bagay. Hindi na kailangan pa turuan si Nicholas kapag ibinigay ko sa kan’ya ang ibang bagay dahil alam na niya ang gagawin niya, hindi katulad nila Gael at Monica na kailangan pang sabihin ang mga gagawin nila,” mabilis na putol ni Niccolo sa kan’yang asawa. Tanging pag-irap lang naman ang nagawa ng ginang dahil sa hindi direktang pang-iinsulto sa kan’yang mga anak sa mahirap nitong kinakasama noon. Wala naman siyang gustong mangyari para sa kan’yang mga anak kung hindi ang guminhawa ang buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan at alam niyang hindi mangyayari iyon kung ang anak ng kan’yang asawa ay nasa landas nila. Hindi rin niya makuha ang loob ni Nicholas kahit pa pilit siyang nagiging mabait dito. Alam niya rin na kapag nasa landas nila si Nicholas ay kakaunti lang din ang mapupuntang yaman sa kanila na hindi niya hahayaan dahil matagal na niyang pinangarap ang marangyang buhay. “Kung ganon naman pala, turuan mo ng leksyon ang anak mo– kunin mo ang mahahalagang bagay sa kan’ya na magpapapayag sa kan’ya,” usal niya sa kan’yang asawa bago tumingin dito. “Hindi mo naman siguro ako bibiguin sa proposal kong hotel, right?” Tumingin lang naman sa kan’ya si Niccolo bago hinawakan ang kamay niya. “Hindi kita bibiguin doon. Ako na ang bahala sa lahat,” saad nito at marahan na binitawan ang kamay niya at mabilis na tumayo at naglakad palabas ng kwarto nilang mag-asawa. “ITAPON ang bagay na ito!” Sabay-sabay silang napatingin nang marinig nila ang boses ng kanilang senyor na nagsalita habang sila ay gumagawa ng pananghalian na ihahain para sa mga ito. Hindi naman makapaniwalang nakatingin si Denise nang makita niya ang bagay na hawak ng kanilang amo na gusto nitong ipatapon. Hawak nito ang gitara na iniingatan ng kanilang senyorito. “Senyor? Itatapon po ang bagay na iyan? Mahalaga po ang bagay na iyan kay senyorito–” “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo sa desisyon ko na ito, Salve! Kung hindi mo ako kayang sundin, mas maigi pa na manahimik ka,” usal ng senyor na ikinatahimik nilang lahat. Alam nila ang pwedeng mangyari kung sakali man na magalit ang senyor sa kanila kapag tinutulan nila ang nais nito. “Bibilang ako ng lima! Kapag walang lumapit niisa sa inyo, lahat kayo ay tatanggalin ko at sisigraduhin ko na hindi–” “Pasensya na ho, senyor! Ako na ho ang magtatapon,” mabilis na usal ni Denise habang nakayuko. Naisip niya na ilagay na lamang ang bagay na iyon sa bodega kung saan nandoon ang mga gamit ng ina ng kanilang senyorito para hindi ito tuluyang maitapon. Simple lang naman ang utos ng senyor at sigurado siya na hindi na nito sisiguraduhin kung natapon na ba talaga niya ang bagay na iyon. “Mabuti naman!” usal ng senyor at akmang ihahagis nito ang bagay na iyon nang mabilis na kunin ng kasamahan niya ang gitara para hindi ito tuluyang masira. Nang makaalis ang senyor ay agad na humarap ang tiya niya sa kan’ya at umiling iling. “Mahalagang gamit ito kay senyorito, Denise. Sigurado ka bang ikaw na ang magtatapon? Mahirap magalit ang senyorito,” usal ng kanyang tiya na halata sa mata ang pag-aalala. “Ayos lang ako, tiya. Ako na ho ang bahalang magpaliwanag kay senyorito. Kung magalit man ho siya ay tatanggapin ko ho, kesa lahat naman ho tayo ay malagay sa alanganin. Sigurado naman ho akong maiintindihan ni senyorito iyon,” usal ni Denise habang bitbit ang gitara ni Nicholas. Panandalian itong nagpaalam sa kan’yang mga kasama at nagpunta sa kan’yang kwarto para ilagay doon ang gitara. MASAYANG kumakain ang pamilyang Ferrer nang mapahinto lahat dahil sa mala-lakas na kabog sa labas ng kanilang dining area. “Tignan ninyo kung iyon,” utos ng senyora na agad na sinunod ng isa sa mga kasambahay. Bago pa nito mabuksan ang pintuan ay agad na itong bumukas at iniluwa si Nicholas na galt na galit ang mukha. Bakas dito ang tindi ng galit na ikinatakot ng iilan, miski si Denise ay nakaramdam ng takot dahil sa nakikitang itsura nito. Tanging ang kanilang senyor lamang hindi nasindak sa auro at presensya nito na hindi na rin ikinagulat ng iilan. Mabibigat ang hakbang nitong lumakad papunta sa harapan ng ama at doon tumayo. “Where’s my guitar?” madidiing tanong nito sa ama. Marahan siya tinignan ng senyor. “I threw it away. You didn’t listen to me, you just keep–” “Why? That’s the only thing mom left me! You throw all the things she has in this house! Ayon na lang ang meron akong ala-ala ni mama!” malakas na sigaw nito. Agad naman napatayo ang senyor sa kan’yang upuan at agad na dinuro si Nicholas. “Your mom is not here anymore! You should forget her and move forward! Hindi nakakatulong ang mga bagay na iyon–” “They are helping me! Ikaw ang hindi nakakatulong! You want me to forget my own mother? Why? Because of your f*cking mistress–” Napaawang ang labi ng lahat ng malakas na tunog ang namutawi sa buong dining area dahil sa malakas na pagkakasampal ng senyor sa senyorito. “How dare you raise your voice to your father and insult your mother in front of our maids! Gilipollas!” malakas na sigaw ng senyor. Marahan na umangat ang ulo ni Nicholas sa kan’yang ama at tumingin sa mata ng kan’yang ama. Hindi ito nagsalita at pinunasan lang ang kan’yang labi bago dumura sa harapan ng kan’yang ama at mabilis na umalis sa harapan nito. Bago pa tuluyang makaalis si Nicholas sa loob ng hapag-kainan ay huminto siya at huminga nang malalim. “That woman is not my mother, and she will never be my mom!” madidiing bigkas nito na bakas ang puno ng hinanakit sa bawat salitang sinasabi niya. ------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD