"H-HINDI niya raw ako minahal, A-ate. Attracted lang daw siya sa'kin noon." Napahagulgol ako sa harap nina Ate Nisyel at Besh. Pagkatapos ko kasing umiyak nang magdamag ay niyaya ko silang lumabas at kumain. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon. "Sige lang, Besh, ilabas mo lang 'yan. Mawawala rin ang sakit at lilipas din 'yang nararamdaman mo." Puno ng simpatya na wika ni Lucy at hinagod ang aking likod. Lalong tumulo ang aking mga luha. Tama si Besh, lilipas din 'to. Mapapagod ding umiyak ang mga mata ko. At sa pagkakataong iyon ay siguradong tanggap ko na ang lahat. Makakalimutan ko rin siya. "Tahan na, Goldie. Huwag ka nang umiyak. Ang pangit, pangit mo na. Mukha ka nang biik na hindi pinapakain ng dalawang linggo. Ang sagwa mo ring umiyak, nakakasakit sa tenga. Ito o