TSL 1: Jollibee

1604 Words
◈GOLD◈ "Waah! I-iniwan na niya ako *huk*... Pinagpalit *huk* na niya ako sa iba!" "Hayaan mo na 'yon bakla. He doesn't deserve your tears. Naku! Kung makikita ko talaga ang ex mong 'yon, dudukutin ko ang mga eyeballs niya!" Halos mabingi ako sa kakangawa ng babae sa katabi kong puwesto na inaalo ng kanyang kaibigan. Mukhang mga teenager pa ang mga ito dahil naka-school uniform pa. Seriously?! Hindi ba niya nahahalatang kanina pa nakatingin sa kanya mga tao dito sa food court ng mall? "M-mahal na *huk* mahal ko pa rin siya *huk* bakla!" "Hay naku bakla! Marami pang lalaki sa mundo! Kalimutan mo na ang ex mong walang kuwenta, okay?" Umikot ang aking mga mata at inubos ang chocolate frappe ko. Wala naman pala akong mapapala dito. Akala ko pa naman makikita ko na si Mr. Right ko dito. Makaalis na nga dito. Napatingin ulit ako sa babae na walang tigil sa kaiiyak. Halos kasintaas na ng Mt. Apo ang nakatangkas na tissue sa kanyang harapan. Yung totoo? Bakit niya iniiyakan ang taong ayaw na sa kanya? "Hindi bakla, magmamakaawa ako sa kanya. *huk* Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya *huk* at hindi ko kayang mawala siya sa'kin." Nagpanting ang ko tenga sa aking narinig. Kaya naman hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong lapitan siya. Bahagya pa akong napadaing dahil hinampas ko nang pagkalakas-lakas ang mesa dahilan para mapatayo silang dalawa ng kaibigan niya. "Alam mo, ang OA mo! Iniwan ka lang ng lalaki magpapaka-martyr ka na! Aba te! Maawa ka naman sa mga lahi nating mga babae! Pinagmumukha mong kawawa. Pasalamat ka nga nagkaroon ka na ng EX! Eh ako? Wala! Wala! Wala  pa akong EX!" malakas na bulyaw ko at nagwalk out. Naiwan naman silang dalawa na nakanganga. Bigla ring tumahimik ang buong paligid. Ang sabi ni Ate Nisyel hindi daw dapat ako nagpapa-istress pero mukhang nangyari na nga. Naisipan ko nalang dumiretso sa department store para magliwaliw. Baka sakaling doon ko pa matatagpuan ang future boyfriend ko. Ano kaya ang feeling na may boyfriend? Kailan kaya ako makaka-graduate sa pagiging NBSB? Hayy... Makabili nga ng bagong mga damit. Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng department store nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Ate Nisyel calling.... "Hello? Ate?" [Hello? Ang sabi ni Mommy nasa mall ka ngayon. Pabili naman ako sa Jollibee. Please?] "Bakit? Ano ba ipapabili mo ate?" [Dalawang chickenjoy na thigh part, spaghetti, dalawang yum burger na may mushroom,  isang garlic pepper beef, isang coke float, isang sundae at extra large fries... Thank you dyosa kong hipag! Hehe...] "'Yon lang ba ate? Sabihin mo lang kung bibilhin ko nalang yung buong Jollibee ah?" [Talaga? Gagawin mo 'yon?] "A-ah... joke lang ate! Kay Kuya mo nalang sabihin, mas marami ang datong 'non." [Ganun ba? Okay ba, sasabihin ko sa kanya mamaya pagdating niya. Basta yung bilin ko ha?] "Oo na ate, bibilhin ko na at idadaan. Bye na." [Ingat hipag! Bilisan mo ha? Bye...] Napabuntong hininga nalang ako pagkababa ko ng tawag. Tsk! Ang hirap talaga kausapin ng mga buntis. Kung hindi ko lang talaga mahal ang hipag kung 'yon, hindi ako magtitiis. Ginawa ba naman akong katulong! Dios mio! Paano nalang ako makakahanap ng forever ko nito? I'm already twenty-two pero hindi ko pa nahahanap ang The One ko. Porke't ako ang bunso, ako nalang palagi ang inuutusan. Haay... Ano kaya kung mag-asawa nalang din ako? Tama. Para magka-adventure naman ang buhay ko. Bakit kasi wala manlang akong may nagugustuhan sa mga manliligaw ko? Hayy... Speaking of manliligaw, biglang nag-zoom in ang aking paningin sa ubod ng hot and oh-so-gwapo na lalaking dumaan sa aking harapan. He's the one! Bahala na. Mamaya ko nalang bibilhin ang bilin ni ateng buntis. Sinundan ko siya at saka ko lang napansin na may bitbit pala itong bata. Nakahawak ito sa kanyang kanang kamay. Ayy! May anak na?! Napasimangot ang maganda kong mukha. Pero mukhang walang asawa dahil wala silang ibang kasama. Maybe single parent siya. Hmm. Puwede na rin. Mas mabuti nga may ready-made na kaming anak. I grinned from ear to ear habang sinusundan sila. Pumasok sila sa isang fastfood. At kung sinusuwerte ka nga naman... sa Jollibee sila pumasok. Di kaya ito na 'yong paraan ni Cupid para makilala ko ang forever ko? Pinaupo niya ang kasama niyang bata sa bakanteng pangdalawahan na upuan bago pumila sa counter. Confirmed! Silang dalawa nga lang at walang asawa. Susunod na sana ako sa pila na nasa likod niya pero naunahan ako ng isang matabang babae. Sa sobrang taba niya hindi ko na makita ang katawan ng asawa ko. Tanging ulo nalang. Hayy... Sa huli ay lumipat nalang ako sa katabing pila dahil mas konti ang pumipila dito. Ilang beses akong lumingon dahil nasa hulihan siya ng kabilang pila. Diretso lang ang kanyang tingin. I find him mysterious. Bumilis ang t***k ng puso ko nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Oh crap! Dali-dali akong tumalikod at humarap sa counter ngunit isang nang-aakusang tingin ang sumalubong sa'kin. "Hindi mo ba nakikita 'yan ineng?" turo ng isang matanda sa'kin sa signage sa ibabaw ng counter. What the?! Literal na nanlaki ang aking mga mata nang makita ang nakasulat doon. Waaah! Kaya pala kukunti lang ang pumipila dito. Senior Citizens' Lane pala 'to! Oh crap! "A-aah... A-ano kasi Lola eh...a-ah..." Think Gold! Think! "B-buntis po kasi ako, Lola at naglilihi po ako. Gustong-gusto ko na po kasing kumain ng fries at yum burger." Sinikap kong magmukha akong kawawa at nagtutubig ang aking mga mata. Mukha naman itong natauhan at naaawang tiningnan ako. Puno ng simpatya ang kanyang mga mata. "Ganun ba? Nasa'n na ba ang asawa mo? Bakit ka niya pinapabayaan?" "Nasa kabing pila po," gusto ko sanang isagot. Kinagat ko ang aking ibabang labi at yumuko. "H-hiwalay na po kami, eh. A-ayaw niya akong panagutan." "Ano? Pagkatapos ka niyang buntisin iniwan ka? Walang kuwenta pala yung asawa mo. Alam mo ineng, hindi siya kawalan sa'yo. Alagaan mo nalang ang magiging anak mo." "S-salamat po." "Walang anuman. Oh siya, ikaw na ang mauna sa pila. Mukhang takam na takam ka na talaga." Muntik na akong mapatalon sa sobrang tuwa. I smiled triumphantly. Buti nalang tinuruan ako ni Ate Nisyel kung paano umarte. Umorder ako ng lahat ng ibinilin ni Ate Nisyel at dinagdagan ko nalang ng sarili kong order. Pagkatapos 'non ay nagpasalamat ulit ako sa matanda. Pinili kong umupo sa harapan ng bata na pinaupo ng asawa ko. Nagulat pa ito at tiningnan ako ng matalim. "This seat is already taken!" masungit na saad nito. Ouch! Parang daddy niya rin. Taken na! "Relax kid. Hindi naman ako magtatagal eh. Uubusin ko lang 'to." Nakita kong bahagya itong napalunok nang makita ang burger at fries ko. "Hoy bata...." "I'm not Hoy. I'm Xanley." Sungit. "Okay. Xanley, gusto mo sa'yo nalang 'tong burger ko at fries?" "P-po?" Umamo ang kanyang mukha at nagningning ang mga matang nakatingin sa hawak ko. "Oo. Sa'yo na 'to, basta sabihin mo sa'kin ang buong pangalan ng daddy mo." "Daddy?" "Oo. Yung tatay mong pumipila pa rin hanggang ngayon." Sinundan niya naman ng tingin ang inginuso ko. "You mean, Uncle Bryce?" Wait- What? "Uncle? Hindi mo siya daddy?" Lumakas ang t***k ng dibdib ko nang umiling-iling ito. "He's my uncle. Why do you want to know his name?" Aba! Hindi ako prepared 'don ah! "A-ah... W-wala naman. Para kasing pamilyar siya sa'kin. Nakalimutan ko lang ang pangalan niya. Oh, sa'yo na 'to." Parang aso naman nitong sinunggaban ang burger. Gutom siguro. "Salamat po! Isa ka rin ba sa mga manliligaw ni Uncle Bryce?" Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tanong. "Manliligaw?" "Opo. Maraming manliligaw si Uncle Bryce. Pero kayo po ang gusto ko. Ang bait mo kasi." Tang na juice! Marami pala akong kaagaw sa hubby ko! Hindi ako makakapayag! "Ano nga ulit ang pangalan ng uncle mo?" "Bryce Maxell po. Bryce Maxell Villaceran." Hmm. Pangalan palang ang bango-bango na. Siguro ang sarap umunan sa dibdib niya sa tuwing matutulog kami. Tapos yayakapin niya ako ng mga matipuno niyang braso. I smiled dreamily. I can't wait for that to happen. "Puwede akin na din po 'yang coke?" Napatigil ako sa pagdi-daydream nang magsalita ang future pamangkin ko. "Aba, oo naman. Ay! Wala palang straw. Sandali, kukuha muna ako." Tumayo ako at pumunta sa lalagyan ng straw. Pipindutin ko na sana paibaba ang lalagyan para lumabas ang straw nang may pumatong na kamay sa kamay ko. Napaawang ang aking mga labi nang mag-angat ako ng tingin. Holy mother of straw! Si future hubby ko! "A-ah..." "Ikaw muna/Ikaw muna, Miss" sabay naming sambit. Oh shet! Destiny talaga kaming dalawa! "A-ah... s-sige. S-salamat." Mabilis akong tumalikod pagkatapos makuha ang straw. "Xanley, ito na. Alis na 'ko ha?" "Po?" "Oo... Ay! Wait, ano nga address niyo? Papasyal ako 'don." Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasabi ni Xanley ang kanilang address. Paglingon ko papalapit na si Bryce sa puwesto at nakakunot ang noo. Malamang nagtataka kung bakit ko kausap ang pamangkin niya. "Sige, Xanley. Thank you ha? Alis na talaga ako." "Okay po." Mabilis kong dinampot ang paper bag na may lamang order ni Ate Nisyel at saka tinungo ang exit. Nakayuko ako kaya hindi ko napansin na may mabubunggo pala ako. BLAAAG! Bumagsak ako at malakas na singhap ng mga tao ang aking narinig at namalayan ko nalang na kumaibabaw pala ang katawan ko sa higanteng mascot ng Jollibee. Ayos na sana eh! Ayos lang na natapon lahat ng in-order ko pero hindi ko talaga matanggap na magkadampi ang aming mga nguso! Waah! Ang first kiss ko kinuha ng malaking bubuyog!!! ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD