IT'S BEEN two days pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Clinton. That jerk! Buti nga sa kanya. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa video niya. I made sure na walang nakakita ng nangyari. I hired somebody from the M&C Detectives to hack the CCTV camera. Hindi naman kasi ako kasing galing ni kambal. Basics lang ang alam ko. I also produced several copies of the video para kung sakaling magkagipitan ay may pang-blackmail ako kay Clinton. From: Mommy Anak, sa restaurant tayo ng Tito Caleb mo bukas. Ingat. I love you! Agad akong nagtipa ng reply sa text message ni Mommy. I miss them. Matagal-tagal na rin kaming hindi lumabas na buong pamilya. Liban sa may sarili nang pamilya si Kuya Skeet ay palagi na lang sinusolo ni Daddy si Mommy. Kailangan daw kasi nila ng "quality time