"ARE you okay?" Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong tanungin ni Pangga. Marahan niyang hinagod-hagod ang braso ko gamit ang kanyang daliri. "O-okay lang, Pangga. Bakit mo naman natanong?" "You're spacing out ever since you and Nanay talked." Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay kikiligin ako pero lalo lang akong kinabahan. "Tell me... Did she tell you something offensive?" Mabilis kong iniling ang aking ulo. Hindi niya puwedeng malaman ang pinag-usapan namin ni Donya Divina. Baka lalo lang akong ma-bad shot sa matandang 'yon pag sinabi ko pa sa apo niya. "Ano bang pinagsasabi mo, Pangga? Wala naman. Mabait nga lola mo eh." Kulang na lang yata eh pagagawan ko siya ng epitaph na may naka-engrave na Most Outstanding Kontrabida in the Universe