"WALANG tayo. Alam mo 'yan. You just assumed ." Parang sirang plaka na nagpa ulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Lahat ng pag-asang kinakapitan ko para magkaayos kami ay biglang nawala. Iyong tipong nasa finish line na sana ako pero bigla akong nadapa at nasugatan. "Pangga, m-mahal mo 'ko. Sinabi mo 'yon noon. Galit ka lang sa'kin kaya mo 'yan nasabi, 'di ba?" Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi ngunit iwinaksi niya ang aking kamay. "Tama na. Tama na, Reign. H-hindi kita mahal. I was just confused. I thought I love you, but I don't. Maybe I was just attracted to you." Malakas na hikbi ang kumawala sa aking bibig. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon mula sa kanya. Napakasakit. Parang pinapatay ako nang paulit-ulit sa kanyang bawat salita. "H-hindi totoo 'yan! M-mahal mo