"HEP! Huwag na huwag kang iiyak sa harapan ko! Ilang beses kitang binalaan noon, di ba? Nakinig ka ba? Hindi!" Napangiwi ako sa ibinulyaw ni Lucy. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang lahat nang nangyari. "Hindi ko naman alam na ganito ang kahihinatnan Besh." "Hindi mo alam kasi tanga ka! Sinumpong ka lang ng kalandian naging bobo ka na!" "Grabe ka naman, Besh! Kalandian agad? Hindi ba puwedeng nagmahal lang muna?" "Tse! May gana ka pang mangatwiran eh, 'no? Sinabi ko lang na tanga ka pinanindigan mo talaga. Para akong matandang ulyanin sa kaka-remind sa'yo pero hindi ka nakinig. Tapos ngayon iiyak-iyak ka! Nakakabwisit ka! Alam mo 'yon?" "E di wow--awww!" "Nakakaasar ka talagang Ginto ka! Ang sarap mong ihulog nang patiwarik sa tulay!" Tinakpan ko na lang ang magkabilang tenga ko sa so