Chapter 21

2585 Words
Chapter 21 Kahit na hindi pa lubos na lubos na naniniwala si Ponyong kina George ay mas minabuti nalang din niyang ipatingin sa albularyo ang mga anak niya. Takot na takot na kasi siyang mawala sina Merry at Melly sa buhay niya. May pobya na kasi siya sa nawalang panganay niyang anak na babae ng dahil sa isang aksidente. Labis na dinamdam ni Ponyong ang pag kawala ng panganay niyang anak na naging dahilan pa ng kamuntikan na niyang pagpapakamatay sa hindi matanggap na sinapit ng anak niya. Napigilan niya ang pag bibigti sa sarili ng maisip niyang may dalawa pa siyang anak na natitira ‘yun ay sina Merry at Melly. Sinubukan ni Ponyong na kalimutan nalang ang nangyari dahil wala naman na din siyang magagawa. Kaya lang hindi rin niya matanggap na hindi manlang niya nabigyan ng magandang pag ka libing ang bangkay ng anak niya dahil sa hindi nila makita ang katawan nito mula sa nahulog na sasakyan sa malalim na bangin. Tuwing sasapit ang march 4 ay lagi siyang nag pupunta sa bangin na pinag laglagan ng kotse at tinutulusan nalang niya ng kandila at nag hahagis ng mga bulaklak doon. Simula din ng iwan si Ponyong ng asawa niya ay hindi na ito tumingin pa sa iba at inalagaan nalang niya ng mabuti ang mga anak niya. Mismo pati ang mga anak niya ay hindi niya pinapayagang mag boyfriend dahil ayaw niyang mawala sa pundar niya ang mga ito. Iniisip niya kasi na kapag nag asawa na ang mga ito ay isa-isa rin siyang iiwanan ng mga ito at sasama sa lalaking mapapangasawa nila. Ano nalang ang magiging buhay niya kapag nag kantaong ganun nga ang mangyari. Mag iisa na lang siya sa buhay at mamatay na malungkot. “S-salamat lolo ponyong at pumayag rin kayong ipatingin ang mga anak niyo sa albularyo. Sigurado ko pong maliliwanagan narin kayo kapag si lola Ursula na ang mag paliwanag sainyo.” Sambit ni George. Katabi kasi niya si Ponyong habang nag d-drive ito ng sasakyan niya. “Pasensya ka na sa mga nasabi ko sayo kanina. Hindi kasi ako sanay na may ibang lalaking humahawak sa mga anak ko. “ “Okay lang po ‘yun Lolo Ponyong. Ganun po talaga kapag sobrang mahal nyo ang mga anak nyo. Nga po pala, nasaan na po ang asawa nyo?” Natahimik bigla si Ponyong. “Sumakabilang bahay na eh,” Sambit nito at natawa pa ng konti. “Lolo ponyong talaga. Ano pong sumakabilang bahay na?” Sambit ni George. “Tawa ka ng tawa diyan, hindi mo naman pala naiintindihan!” “Eh hindi ko po alam eh, ano po ba yung sumakabilang bahay na?” Nawala ang ngiti sa mukha ni Ponyong at sumiryoso ito ng tingin kay George. “Ibig kong sabihin ay sumama na siya sa ibang lalaki. Iniwan na niya kami bigla ng walang kadahilan.” “Ganun po ba, Pasensya na po kayo kung natanong ko pa.” “Okay lang. Pero teka, ano nga bang pangalan mo?” Tanong ni Ponyong kay George. “George po,“ Sagot niya. Bigla namang napatingin si George sa daanan ng biglang maliko ni Ponyong sa maling direksyon ang sasakyan na minamaneho nito. “Ay liko po nyo ulit sa kaliwa. Hindi po diyan ang daan patungo kila lola Ursula. ” Napasilip si George sa may bandang likuran. Nakita niyang kapwang tulog ang dalawa. “Nakatulog sina Erika at Emily.” Sambit bigla ni George. “Sinong Erika at Emily?” Litong tanong ni Ka ponyong. “Ay sorry po. Ano po nga palang pangalan ng mga anak nyo?” “Merry at melly.” Sagot ni ponyong. “Ayun. Nakatulog po sina Merry at Melly sa likod. Nalilito tuloy ako kung ano ang itatawag ko sa kanila.” Mayamaya pa’y nakarating narin sila sa tapat ng bahay ni lola Ursula. “Dito naba?” Tanong ni Ponyong kay George. “Opo, dito na nga po.” Agad namang bumaba si George ng sasakyan para puntuhan sa likod ang dalawang babae. Pag akyat ni George sa likuran ng sasakyan ay tulog parin ang dalawa. Tinapik niya ang mga ito sa pisngi para magising na sila. “Erika at Emily, gising na at nandito na tayo kina lola Ursula.” Tinawag niya ang mga anak ni ponyong sa mga pangalan ng anak niya, tutal ay alam naman niyang mga kaluluwa ng mga anak niya ang nasa loob ng mga katawan nito. Mayamaya pa ay nagising narin si Erika. Papungay-pungay pa ang mata nito ng siya ay magising. Sa pag pungay ng mga mata nito ay biglang napalaki nalang ang mata niya ng makita niya si George. “Ahhh!!! S-sino ka?” Lumingon-lingon ito sa paligid. “ N-nasan ako? “ Napatingin din siya sa kapatid niyang tulog pa. “Merry?! Saan mo kami dinala ng kapatid ko?! Sino kaba?” “Ang papa mo to Emily!” Sambit ni George. “Papa ka diyan! Hindi ikaw ang papa ko. Nasan si tatay ponyong!? ” Sambit nito. “I-ibig bang sabihin nito ay hindi na ikaw ang anak kong si Emily?” “Ano bang Emily? Ang pangalan ko ay Melly, hindi Emily.” Galit na sabi nito. “A-anak? I-ikaw na bayan? Magaling kana?” Gulat na tanong ni Ponyong pag akyat niya sa likod ng sasakyan. Napatakbo bigla si Melly sa tatay niya ng Makita niya ito. “Tatay!” agad niyang niyakap si Ponyong. ”Tay bakit po kami napunta dito? Sino po yung lalaking yan?” sambit niya sa tatay niya habang nakaturo kay George. Mayamaya pa’y nagising narin ang isa. “Nandito naba tayo Papa?” Sambit nito. Nagulat si George. Papa ang sinambit nito sa kanya. Ibig sabihin ay si Erika parin ang nasa katawan ni Merry. “I-ikaw bayan Erika?” Tanong bigla ni George. “Opo papa, bakit?” Lito niyang tanong. “B-bakit niya tinatawag na papa yang lalaking yan tatay?” Tanong ni Melly. “Anak sinasapian ng anak ng lalaking yan ang katawan ng kapatid mo. At hindi lang ang kapatid mo, Pati ikaw rin.” Sambit ni Ponyong sa anak niya. “Ha?! Sinasapian? B-bakit? Patay naba ang mga anak niya at sa mga katawan naming sila sumasapi? kaya ba papa ang tawag ni Merry sa kanya ay dahil kaluluwa ng anak niya ang nasa katawan ni Merry ngayon?” sunod-sunod na tanong nito. “Oo anak. Pero hindi pa patay ang mga anak niya. Buhay parin sila. May sumasapi rin kasi sa mga katawan ng mga anak niya na sa tuwing aagawin nila ang katawan ng mga anak niya ay sainyong katawan naman napupunta ang mga kaluluwa nila.” Paliwanag ni Ponyong. Sa sinabi ni Ponyong ay tila naniniwala na ito sa mga sinasabi ni George. “Naniniwala ka na ngayon lolo ponyong?” Tanong ni George. “Eh ano pa nga ba.” Sagot nito. “Salamat po lolo ponyong at naniniwala na kayo.“ Sambit ni Erika. “Eh teka-teka, Nasaan ba tayo? Saan ba tayo pupunta ngayon? Marami akong gustong itanong sainyo. Bakit saming katawan napupunta yang mga anak nyo? Anong kinalaman naming sa buhay n’yo kuya?” Tanong ni Melly kay George. “Hindi ko rin alam. Kaya nga nandito tayo sa mang aalbularyo para itanong kung bakit nangyayari ito,” sagot ni George. “Tama anak, Kaya halina na kayo, pumasok na tayo sa loob para masagot na lahat ng katanungan natin,” pang aaya ni Lolo ponyong. Habang nag hihiwa ng mga gulay sina Emily at Teressa, bigla nalang nabuwal at nawalan ng malay si Emily. Agad namang nasalo ni Teressa ang anak bago pa ito mabagok sa sahig. “Emily?! “ Tinapik-tapik niya ang mukha nito. Wala si Erika dahil nag paalam ito kay Teressa na may pupuntahan lang ito Saglit. Ilang sandali lang ang tinagal at nag kamalay din si Emily. “Emily?! Naku salamat naman at gising kana...Bakit kaba nahimatay? May sakit kaba?” Sunod sunond na tanong ni Teressa. “M-mama?!” Gulat na sambit ni Emily. Kinapa-kapa pa nito ang mukha’t katawan niya. Nilingap din niya ang buong paligid. “Nakabalik na ako sa katawan ko?! Mama kamusta ka? Okay ka lang ba? Hindi kaba napahamak kina Eri at Emi?" Sunod sunod na tanong nito. “Emily?! I-ikaw na bayan?” Gulat na tanong ni Teressa. “Opo Mama, ako nga po ito. ‘Wag na po kayong mag alala kay Papa. Okay po siya. Mag kakasama po kami kanina. Hindi po kayo maniniwala na napupunta ang mga kaluluwa naming sa ibang mga katawan. At nagulat nalang kami ni Ate na hindi pala panaginip ang nangyayari saamin. Totoo pala ‘yun. Tuwing aagawin nila Eri at Emi ang katawan namin ay napupunta kami sa mga katawan ng anak ni Lolo Ponyong. Mag kapatid po silang babae na edad 30 anyos. Tapos nung time na isasama kami ni lolo ponyong sa palengke, nagulat po kami ng makita naming nakahandusay at walang malay si Papa sa harap ng puno ng balete. Kumuha daw siya ng ugat doon dahil kailangan daw ‘yun sa Abula-bula silandak na pananggang gagawin daw ni Lola Ursula. Papunta napo kami kay lola Ursula ngayong umaga. Kaya lang nagulat nalang ako na mapunta na naman dito ang kaluluwa ko. Nabalik na ulit ako sa katawan ko. Nasaan nga pala si Ate? Nakabalik narin kaya siya?” “Wala siya Emily. Umalis siya at may pupuntahan daw saglit. Pero anak totoo bang okay lang ang papa nyo? Buhay siya?” “Opo mama. Ano kaya kung pumunta din tayo kay Lola Ursula. Tiyak na nando’n na sila at kausap na nila si lola Ursula.” “Tama ka. Para madala ko narin dun ang Pangil ng paniki at ang laway ng nauulol na tao.” Sambit ni Teressa. “Eh si Ate, paano?” “Balikan nalang natin siya mamaya. Mas mabuti kung madala na natin kay lola ang mga sangkap na gagawin niya. Isang lingo pa naman niya yung dadasalan kaya lalo pang matatagalan kung hindi pa natin mamadaliin. Saka naawa na ako sainyo ng ate mo,masyado ng gamit na gamit ang mga katawan nyo ng mga kaluluwa nila Eri at Emi. Gusto ko ng mamuhay na tahimik. Namimiss ko na ang dati nating tahimik na buhay.” Pag pasok sa loob nila George ay Saktong wala pang mga taong mag papagamot. Naupo muna sila saglit dahil may ginagawa pang orasyon si lola Ursula. “Nakakatakot naman dito. Ang daming nakakakilabot na nakasabit.” Sambit ni Melly Habang linga-lingap ang mata niya sa loob ng bahay ni Lola Ursula. May mga itim kasi na kandilang nakabukas, mga kakaibang lumang libro na mukang galing pa sa mga ninuno ni lola Ursula, mga tila buto-buto ng sari-saring hayop at mga bulok na bulaklak. “Magaling bang albularyo itong pinuntahan natin George?” Tanong ni Ponyong. “Opo, lolo Ponyong.” “Mukhang wala kang tiwala saakin ah.” Nagulat sila ng biglang sumulpot ang isang matandang babae na mahaba ang buhok at nakaputing saya. “Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!” Napasigaw si Merry sa biglang paglabas ni lola Ursula. “Si lola Ursula ‘yan. ‘Wag kayong matakot.”Sambit ni George. “Oh, kayo pala yan George. Oh, Bakit tila may mga kaibigan ka atang dinala dito? Nasaan ang asawa mo? Kumpleto naba ang mga sangkap na hinihingi ko?” Sunod-sunod na tanong ni Lola Ursula. “Opo, kumpleto napo lahat. Kaso yung pangil ng paniki at laway ng taong nauulol ay nasa bahay pa. Ugat palang ng puno ng balete ang dala ko. Nga pala, Lola Ursula, bakit hindi nyo po sinabi saakin na mapanganib po palang kumuha ng ugat ng puno ng balete.” “Bakit? Ano bang nangyari sayo? W-wag mong sabihing nakapasok ka sa tahanan ng mga lamang lupa. Sa Abu ,kung tawagin.” “Ganon na nga po lola Ursula. Muntikan na akong hindi makalabas dahil hindi ko po talaga alam ang gagawin ko. Grabe po! Sari-saring nakakatakot na halimaw ang nakita ko do’n. Ang dami ding masasarap na pagkain ang nando’n.” “Mabuti hindi ka tumikim.” “Hindi po. Pero muntikan na dahil gutom na gutom na ako nun. Pero ng makita kong kuminang sa may lamesa ang ugat ng puno ng balete ay agad ko yung dinampot. Pag ka kuha ko nun ay Biglang akong umiikot na tila ba dinadala ako ng ipo-ipo papunta sa taas. At nagising nalang ako na nasa bahay nila ako.” Tinuro ni George si lolo Ponyong. “George, magaling ang ginawa mo. Mabuti hindi ka tumikim ng pag kain. Sa oras kasi na tumikim ka ng kahit na anong pag kaing nandoon ay hinding-hindi kana makakalabas doon. Habang buhay ka na dong makukulong at habang buhay ka narin doon magiging alipin ng mga dimonyong ‘yun. Pero bakit ba nag ka ganon? Nag dala kaba ng manok?” “Opo, buhay pa nga po ang dinala ko eh.” Sagot nya. “Eh, bakit napunta ka sa loob nun? Teka, Siguro ginamitan mo na matalim na gamit ang pag kuha ng ugat sa puno no?” “O-opo. Gunting po.” “Kaya naman pala! Ayaw na ayaw kasi nilang makakakita ng matatalim na gamit. Iniisip kasi nila na may gagawing masama ang taong may dalang matatalim na gamit sa harap ng tahanan nila. Iniisip nila siguro napuputulin mo ang puno nayun kaya may dala kang gunting. At dahil na nga dun kaya napunta ka sa loob ng puno ng balete. Bibigyan ka dapat nila ng parusa. Parusang nasasaiyo kung tatanga-tanga ka. Kaya lang magaling ka George dahil nakalabas ka sa delikadong lugar nayun.” “Nakakakilabot naman yang sinasabi nyo lola. “ Sambit ni Merry. Napatingin naman si Lola Ursula sa katawan ni Melly na katabi ni George. “Ikaw! Alam kong hindi mo pag aari ang katawang yan. Sino ka?! Bakit ka nandyan?!” tumayo at nagalit si Lola Ursula kay Melly. Tumayo nadin si George. “Wag po lola. Anak ko siya. Si Melly yan na anak ni Lolo ponyong, na ang nasa loob ay ang anak kong si Erika. Kaya po kami nandito ay para itanong sainyo na bakit kapag sumasapi sina Eri at Emi sa mga anak ko ay sa mga anak naman ni lolo ponyong sila napupunta?” Tanong ni George. “Sa mga katawan ng anak nitong matandang ito napupunta ang kaluluwa ng mga anak mo?” Tanong ni Lola Ursula na nakaturo pa kay Lolo ponyong. “Opo. Bakit po ganun?” Tanong ni George. “Mag ka mag-anak siguro kayo.” Sagot ni Lola Ursula. “H-hindi po lola. Hindi po naming sila kaano-ano.” Sagot ni George. “Tama. Hindi naming kaano yang sina George.” Sagot naman ni Lolo ponyong. “Nakapagtataka. Kapag kasi naagaw ang kaluluwa ng isang kamag anak ay p-pwede lang itong sumanib sa tanging kamag-anak or malapit na kadugo din. Yung saping bigla-bigla nalang na hindi mo inaakala. Sa mga mag kakamag anak lang yun nangyayari. Pero sigurado ba kayong hindi kayo mag kakamag anak?” Litong tanong ni Lola Ursula. "Hindi po talaga lola ursula." Sagot ni George. “G-george? Erika?!!!” Biglang sumulpot si Teressa kasama si Emily. Dala na niya ang laway ng taong nauulol at ang pangil ng paniki. “Teressa?!!” Sambit ni George at Napatayo siya bigla. Napatayo din bigla si lolo ponyong at napatingin kay Teressa. “A-anak????!!!!”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD