Kinabukasan ay maaga akong ginising ng babaeng ito. Late na nga kami natulog kagabi, ang aga pang manggising. “Tara na bilis,” anyaya nito umagang umaga. “Saan ba?” antok na saad ko. Ayoko pang bumangon at sobrang antok pa ako. “Basta. Bangon na bilis.” pagmamadali pa nito sa akin na akala mo ay hinahabol ng mga zombie. Kahit antok pa ay sumama na ako dahil sa patuloy niyang pangungulit. Ayaw tumigil ang pagdakdak at natutulig na ako sa boses niya. “Saan ba tayo pupunta?” Ramdam ko pa rin ang antok dahil late na kami nakatulog dahil sa pagkukwentuhan. “Sa resort. Mageenjoy ka dun. Maraming boys at makakalimutan mo agad ang Rome na yun,” pagkabihis ko ay agad kaming sumakay sa kanyang kotse. Nakaready na raw ang mga gagamitin namin at mga damit na dadalhin. Ibang klase talaga ang ener