Mukhang pabalik kami ng Maynila sa pagmamasid ko sa labas ng sasakyan. Di ko alam kung anong plano ng lalaking ito at anong gagawin sa akin. “I’m sorry. Nagawa ko lang yun dahil ayokong matali at ayokong iwan ang buhay pagkabinata ko. Sarili ko lang ang inisip ko.” paliwanag nito. Totoo bang humihingi siya ng tawad sa akin? Anong nakain nya ba talaga? “Binata ka pa rin naman at di ko ipagkakait yun sayo. Heto nga at di na natuloy ang kasal natin.” “Hindi na iyon ang gusto ko at ang gusto ko ay makasama ka habang buhay. Narealize kong malaki ang mawawala sa akin kapag di ko tinuloy ang pagpapakasal sayo.” “Nagpapatawa ka? Gusto mo akong makasama habang buhay? Nilalagnat ka yata. Totoo naman yung malaki ang mawawala sayo. Pagkakatiwala sayo ni daddy ang kumapanya niya pero sorry na lang