“Ano? Ayoko pang mamatay. Papatayin mo ako no. Ang sama mo talaga. You murderer. I knew it. O kaya naman ay ipaparansom mo muna ako bago mo ako patayin. Ang sama mo talaga,” sabay hampas ko ng ilang ulit sa braso ng lalaki. “Just wait and see. Kumalma ka nga. Biro lang yun.” “Sira ulo ka talaga. Umatras ka na lang sa kasal kung ayaw mo. Pinahihirapan mo pa ang lahat,” tatawa tawa ang lalaki habang kinakabahan naman ako. Sa isip ko ay nagbibiro lang ito at di naman ako papatayin pero paano kung tama ang kutob ko? Hanggang nasa isang liblib na lugar na nga kami. Lumakas ng kaunti ang pintig ng puso ko pero hindi pinahahalata sa kanya. Kailangan kong makaisip ng paraan paano makakatakas sa kanya. ”Ibebenta mo ba ako? Patayin mo na lang ako agad para wala nang hirap,” saad ko sa lalaking w