Mhina Tatawagan ko na sana si mommy Mona nang muli akong mapahinto. Kasalukuyan ko na ngayong hawak ang phone ko. Kapag tumawag ako at ipinakita ko si Dandan sa kanya, siguradong magtatanong siya. At ayoko nang dagdagan pa ang mga kasinungalingan ko. Nagsisinungaling na ako kay Daemon at hindi ko na dadagdagan pa nang pagsisinungaling ko sa kanyang ina, gayon din sa iba pang parte ng pamilya ni Daemon kung sakaling makita nila si Dandan. Shit. Anong gagawin ko? Kailangan kong paghandaan ngayon ang paparating na birthday ni Dandan. Paano ko sila ihaharap sa mga tao? Siguradong makikita nila ang similarities namin, lalong-lalo na sila dalawa ng ama niya. Mapapansin kaagad nila 'yon. Nagtataka nga ako kay Nanay Rosing dahil inaasikaso din naman niya si Dandan pero wala akong naririnig mu