Asawa? Teka, girlfriend lang ang offer nito, hindi ba? Tch. Wala sa sariling napairap ako ngunit hindi na rin nakaimik dahil naging abala na rin ako sa pagpapatahimik ng nagririgodon kong puso. "Wow, hindi mo naman sinabi na may asawa ka na, Sir Third." Hilaw ang naging ngiti ng babaeng secretary ni Third sa akin. "Well, ahm, nice meeting you. My name is Ruby." Ewan ko kung masyado lang ba akong paranoid pero sa tingin ko ay naging dismayado ito sa nalaman ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Sa gwapo nitong si Third ay 'di na bago kung pati ang secretary nito ay mahumaling sa kaniya. Mabilis na lumipas ang araw at tinotoo nga ni Third ang hindi niya pagpasok ng isang linggo. So far, feels so good. Sa pitong araw na pananatili namin dito ni Reece sa penthouse niya ay masasabi k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books